Allen
"Allen, paki-ayos ng mga halaman sa labas may bagong halaman akong binili," rinig kong sabi ni Tiya Pella.
"Sige, po. Tatapusin ko muna ang niluluto ko para sa pananghalian natin," habang piniprito ko ang isda.
"Ako na diyan, Allen. Ayusin mo na ang halaman," sabi ni Tiya at lumapit na sa kusina.
Naghugas ako ng kamay at lumabas na. May dalawang plastic bag na nandoon sa gilid ng pintuan. Kinuha ko ang mga iyon at dinala sa hardin ni Tiya. Hindi mainit ang paligid dahil sa malalaking mga puno na nakatayo sa paligid ng bahay.
"Allen, andiyan ba si Pella?" napalingon ako sa may kaliwa ko. Nakita ko si Aling Pery.
"Opo. Nandoon sa loob, pasok lang po kayo," sabi ko.
Pumasok naman si Aling Pery sa bahay. Inayos ko ang mga halaman ni Tiya Pella. Nang matapos na ako ay iniligpit ko muna ang mga kalat ko at naghugas ng kamay. Pumasok na ako sa bahay.
"Allen, kakain na, umupo kana dito. Sasabay si Pery sa atin," umupo na ako sa upuan ko at kumain na.
"Pasukan na pala bukas."
"Na enroll mo na ba si Allen?" tanong ni Aling Pery.
"Sina Mayer? Hindi pa ba sila na enroll? Sabi kasi ni Allen sasabay siya sa kanila," tiningnan ako ni Tiya.
"Hindi pa ako pinuntahan nina Mayer," sagot ko sabay subo ng pagkain.
"Ilang taon ka na nga, Allen?" tanong ni Aling Pery.
"16, birthday ko na sa susunod na mga buwan."
Hindi ko alam kung bakit sila natahimik. Biglamg may kumatok sa pintuan ng bahay. Nakita namin sina Jon at Mayer na nakatayo.
"Magandang araw, pupunta kasi kami sa paaralan. Isasama kasi namin si Allen," sabi ni Mayer.
"Sige, magbibihis muna si Allen."
Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na ang pinggan at pumasok sa kwarto ko. Nagbihis ako ng panglakad at lumabas na ng kwarto. Naka blue tshirt ako at pantalon na kulay itim. Naka yellow na longsleeve naman si Jon at checkered shorts, habang si Mayer naman ay naka green tshirt at pedal shorts na blue.
"Tiya, alis muna kami." tumango lamang si Tiya.
Umalis na kaming tatlo nina Mayer. Malayo ang paaralan, at kailangan namin maglakad kasi wala kaming sasakyan. Pero hindi ko mararamdaman ang pagod kapag kasama ko ang dalawang 'to.
"Anyways, senior na tayo," pag-uumpisa ni Jon ng usapan.
"Senior na nga pero hindi tayo nakapasok sa Denver Academy," sabi naman ni Mayer.
"Nag-apply naman tayo ng scholarship. Wala namang balita," sabi ni Jon na malayo ang tingin sa daan.
"Mga mayaman naman yata lahat nag-aaral doon. Mga elites. Tsaka, nasa bundok iyon ng lungsod ng Cecilia."
"E, nasasakop naman ang bayan ng Heresh sa lungsod ng Cecilia, Mayer," sabi ni Jon
"Wala silang panahon na gawin tayong priyoridad dahil tayo ay nakatira sa isang bayan na malayo sa lungsod," sagot ni Mayer.
"Kung ganyan naman pala ang school nila, sayang naman. Maganda ang kanilang education at training sa magic," sabi ko naman.
"Well, maganda naman ang edukasyon sa Sadigo High," sabi ni Mayer habang tumatango-tango.
"Natural, doon tayo nag-aaral. Tsaka, magaling magtraining si Sir Enrique, tingnan niyo, oh," sabay bukas ng palad ni Jon, may tubig na sumasayaw.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...