Part 30 Vallen

5 2 0
                                    

Allen

Grabe, may kapatid pala si Sky. Kaso ang angas ng kapatid niya, malayo sa ugali niya. Well, hindi naman ganun si Arthur at Kuya Jandro. Nakasakay na kami ngayon sa barko papunta sa Cecilia, nag train kami papunta sa Bayan ng Lun kaya madali lang ang byahe. Nagpaalam na rin kami sa mga Yuwanne, sana maging maayos na ang kalagayan ni Crissandra.

Dadaan sana kami sa bahay nila Sky pero hindi raw ang tamang oras para pumunta kami doon kaya bumyahe na kami. Ngayon ko lang naalala na marami silang bahay, ikinuwento niya sa amin kanina, sa Lungsod ng Cresil siya madalas umuuwi at hindi doon sa mansion nila sa Crystalline.

Nakahiga ako sa isa sa mga upuan nila dito sa barko na para sa pool area. Wala ng araw dahil gabi na, medyo nakakaantok din ang simoy ng hangin. Tapos na rin kami kumain ng hapunan.

"Still up," napalingon ako sa nagsalita. Si Frost pala.

"Nakakaantok dito."

"Ayos lang kaya sakanila na pupunta tayo sa northern region?"

"Ikaw naman ang leader ng groupong ito."

"Hindi naman ibig sabihin na dahil leader ako ay susundin niyo lahat sinasabi ko."

"Meron na tayong clue sa sunod na libro."

"Kulang pa tayo ng dalawang libro para malaman kung nasaan ang pang-walo."

"Totoo kaya ang nabasa mo noon, Frost? Yung pang-walong libro ang susi para sa blorosie?"

"There's no harm in trying to know some information, Allen. Kapag may mangyaring masama sa akin," tumigil si Frost sa pagsalita. Tiningnan ko siya, nakatingin siya sa malayo. "Be there for them, Allen."

"Ayaw ko sa topic natin," diretso kong sabi.

"Why? We are just talking about a flower," sabay ngiti.

"Parang aalis ka kasi," napatingin siya sa akin. "Para kang aalis at hindi ka na babalik," dagdag ko.

"Oh?" sabay ngiti.

"Nawala nga antok ko."

Tumawa lang siya ng mahina at sumandal sa upuan. Nilamon kami ng katahimikan, unting-unti rin lumamig ang simoy ng hangin pero parang wala lang siya. Pumikit ako at dinaramdam ang simoy ng hangin.

"Excuse me, Ma'am, Sir," napabangon ako dahil sa nagsalita, staff pala ng barko.

Nakita kong kinukusot ni Frist ang mga mata niya, nakatulog kaya siya?

"Bakit pala?"

"Baka kasi magkasakit kayo, its almost midnight na Ma'am, Sir," sabi ng staff.

"Sige po, salamat, papasok na kami ngayon," pagkatapos bitiwan ni Frost ang nga salitang 'yon umalis na ang staff.

Tumayo na ako at umunat, tumayo na rin si Frost at pinagpag ang damit. Naglakad na kami papasok, halos wala ng tao, kung meron man, staff nalang. Sumakay na kami sa elevator at bumaba sa floor namin.

Nasa iisang kwarto naman kami, yung kagaya sa room namin noong camping, double deck ang beds. Pumasok na kami sa kwarto, naabutan naming natutulog na sila.

Umakyat na ako sa taas ng double deck, biglang pinatay ni Frost ang ilaw at humiga na siya sa baba ng double deck.

———

Naglalakad na kami ngayon papunta sa assembly hall. Inaantok pa ako, pati rin sina Pyro at Sky inaantok pa. Pagdating namin sa assembly hall, gaya ng dati walang nga estudyante, malapit ng magtanghali, nakapili na ang mga iyon ng mission.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon