Frost
Naglalakad na kami ngayon, malapit na kami sa Lungsod ng Charmeleo sabi ni Pyro kanina. Hindi na makapal ang kagubatan habang naglalakad kami. Hanggang sa dumating kami sa isang field, masarap ang simoy ng hangin dito. Sa di kalayuan may nakikita kaming mga building.
"Iyon na ba ang lungsod?" tanong ni Luna.
"Yup, Lungsod ng Charmaleo," sagot ni Pyro.
"Why don't we find a resto for our lunch today?" tanong ni Lexi.
"Well, that could be good," sabi ko naman.
Pagdating namin sa lungsod, well, I can say na medyo mainit, pero ayos lang. Marami ang buildings nila dito. Ang dami ring tao.
"Pyro, alam mo ba kung nasaan ang bahay ng mga Flare?" tanong ko, Flare residence kasi ang nakalagay sa request form.
"Flare... Hmmm. Hindi ako sigurado kung saan, pero mukhang sa labas sila dito sa lungsod, malapit sa dagat."
"Saan tayo kakain?" tanong ni Luna.
"Anong gusto niyong kainin? Marami akong alam na masarap na kainan dito," sabi naman ni Pyro.
"I'm craving for seafoods," sabi ni Sky. "Kayo?" tanong niya.
"Seafoods are good," sabi naman ni Lexi.
"Frost? Allen?" tanong ni Luna, napatingin ako kay Allen, ilang segundo kaming nagtitigan
"Ayos lang," sabay namin sagot.
"Alright, let's go!"
Marami kaming nalagpasan na mga buildings, meron ding paaralan, mga bahay na malalaki. Meron din ilang restaurants. Hanggang sa na aamoy ko ang dagat.
"Malapit ba tayo sa dagat, Pyro?" tanong Allen.
"Yup!"
Sa di kalayuan, natatanaw ko ang dagat. Huminto kami sa harapan ng isang kainan. May nakalagay na Tita Aiya's seafood house. Pumasok na si Pyro kaya sumunod na kami. Umorder na sila. Natatanaw namin ang dagat mula rito. Nakaupo si Allen sa harapan ko. Nakaupo kami dito sa gilid, matatanaw mo ang dagat.
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko sakanya.
"Ayos lang," sagot niya, napansin kong brown na ang kulay ng mata niya, tama ang suspetsa ko noong nasa northern region kami na may kakaiba sa mata niya.
"Nagsuot ka ba ng contact lense ngayon?"
Nanlaki ang mata niya dahil sa tanong ko, mabilis siyang umiiling.
"Calm down, I'm just asking, brown na kasi ulit ang mga mata mo."
"Brown na ulit?" tanong niya.
"Hmmm."
"Mabuti naman."
"Kamusta pala ang pag-uusap niyo sa family mo?"
"Niremind lang nila ako na kapag tapos na akong makipagkontrata sa dragon ko, hindi ko gagamitin ang magic kapag hindi emergency."
"Tapos ka na bang makipag contract?" tumango siya at ipinakita ang palad ko. May nakita akong maliit na diamond shape na kulay black.
"Anong pakiramdam mo? Anything weird?"
"Ayos lang naman."
"Here are our foods!" masayang sabi ni Luna dahilan mapatingin kami sakanya.
Silang apat kasi ang umorder doon, pagbalik nila saktong sumunod din ang mga pagkain na inorder nila. Ang dami, merong inihaw na isda, meron ding shrimp, crabs and lobsters, may sabaw din.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...