Part 54 Shann

17 1 0
                                    

Frost

Napatigil si Allecke sa pagmenaho at bumaba. May mga malaking kahoy na nakaharang sa daan at kung hindi ito iaalis ay hindi kami tuluyan makadaan.

"Tuutulungan ko na si Allecke," sabi ni Sky at bababa sana pero natigilan kami.

Iniharap ni Allecke ang dalawang kamay sa mga kahoy dahilan para lumutang ito at sa isang iglap ay mabilis itong lumipad sa gilid.

"Woah," manghang bulong ni Sky. "He is really something."

Sumakay na si Allecke at nagpatuloy na kami sa pagbyahe patungo sa mansion nila Allen. Lexi is still healing him and medyo ayos na rin siya.

"Anong nangyari dito?" hindi ko mapigilan na magtanong.

Bumaba na kami dahil hindi na makapasok ang sasakyan. Bumaba na rin sina Pyro. Nakatumba ang mga puno at sirang-sira ang mansion.

"May tao dito," sabi ni Allecke at tuluyan ng pumasok sa sirang gate.

"Kuya Allecke, baka may kalaban diyan sa loob," sabi ni Austern.

"I'm going to check. Mahina lang ang presence nito."

"Sasama ako," sabi ni Allen na nakasandal sa sasakyan.

"Walang maiiwan dito," sabi naman ni Astro. "Sandali lang naman tayo sa loob," at nagliyab ang kanang kamay at sumunod kay Allecke.

Inalalayan ko si Allen, nasa unahan namin si Luna at ginamit niya magic bilang ilaw. Pati si Pyro na nasa likuran namin. Huminto kami sa may harapan ng mansion, hindi kami makapasok dahil may nakaharang sa main door ng mansion.

"Dito nalang kaya kayo?" sabi ni Allecke. "Hindi tayo makakapasok sa mansion. Delikado kapag may gagalawin ako dito, baka tuluyan masira ang mansion."

"Sasama kami," sabay na sabi ni Austern at Allen.

Agad kaming sumunod kay Allecke. Umikot kami sa bahay at naglakad papunta sa pool area. Lumagpas kami doon, tumuloy kami hanggang sa bumaba kami. Madilim kaya hindi namin alam kung nasaan kami.

Napatalon sila Luna dahil biglang binato ni Allecke ng malaking bola ng kuryente ang isang halera ng ilaw at bumakas ito.

Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa ni Allecke. Akala ko ba wind magic user siya?

Lumapit siya sa isang storage house. Sumunod din kami, binuksan niya ang pinto at pumasok. Itinulak niya sa kabilang bahagi ang isang cabinet. Tiningnan niya kami ng seryoso.

"This is a secret passageway towards inside the mansion's basement. Sana hindi niyo ikalat ang tungkol dito."

Tumango kaming lahat, may hinila siya mula sa sahig at bumukas iyon. Si Astro ang unang pumasok. Habang papunta kami doon ay binalot kami ng katahimikan.

"Nakakatakot naman dito," sabi ni Luna.

"Ngayon lang ako nakapunta dito," sabi ni Allen na nasa tabi ko.

"Hindi tayo pinapapunta sa basement, iyon ang bilin nila Mama," sabi ni Austern na nasa likuran namin.

Huminto kami sa isang pinto, binuksan iyon ni Allecke. Nanlaki mata namin dahil sa nakita namin.

"What are you doing here, Arthur?!" tanong kaagad ni Allecke sa kapatid ni Allen.

"Oh, nandito pala kayo—Kuya!" agad siyang lumapit kay Allen at niyakap ang kapatid.

Narinig namin ang paghikbi ni Arthur habang nakayakap siya kay Allen.

"Akala ko hindi ka na babalik," naiiyak niyang sabi. "Anong nangyari?! Bakit bigla kang nawala, Kuya?!"

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon