Part 6 Battle Practice

20 6 0
                                    

Allen

Ilang saglit pa ay nag-anunsyo na si Lexi na kakain na. Saktong bumaba narin si Frost. Nagsiupuan na kami sa mga upuan namin at kakain na. Kagaya kagabi, nagprayer before kumain.

"Let's eat!" masayang sabi ni Lexi.

Fried chicken at pinakbet for dinner. Kukuha na sana ako ng fried chicken ng magkasabay namin na tinuhog ni Frost ang isang fried chicken. Nagkatinginan kami, kinakabahan ako—

"May sira ang ilaw?" tanong ni Lexi. Biglang namatay ang ilaw at bumalik naman ito ulit.

"Cheneck na ng maintenance ang electric system. Bibili nalang tayo ng bagong ilaw bukas," kalamang sabi ni Sky.

Ibinigay ko na kay Frost ang chicken at kumuha nalang ako ng iba. Tahimik lang akong kumain. Hanggang sa natapos na kaming lahat kumain. Iniligpit na ni Lexi ang mga pinagkainan. Tinulungan ko na siya.

"I'll also help! I can wash the dishes!" pagpresinta ni Luna.

"Wag na, Luna. Kaya na ni Lexi at Allen." sabi ni Frost.

"Pero, I'll hel—"

"Kaya na namin ito, Luna." sabi ko kay Luna habang naghuhugas.

"O-okay.. Sabi mo.."

"Tss." napalingon ako kay Pyro, umakyat na siya sa taas. Naiinis ata.

"Luna, nainis mo naman si Pyro," sabi ni Lexi na nagpupunas sa mga pinggan na tapos ko ng mahugasan.

"Duh! Wala naman akong ginagawa sakanya."

"Kausapin mo na 'yon. May sasabihin 'yon sa'yo."

"Ayoko nga. Bahala siya—"

"Luna, pinapapunta ka ni Pyro sa itaas mag-uusap daw kayo." sabi ni Sky na nasa hagdan. Umakyat narin si Luna, naiinis rin kay Pyro.

———

Ang bilis ng araw, friday na ngayon at naka physical education uniform kami. White tshirt at may logo ng school sa left side at gray jogging pants, isinuot ko rin ang white shoes. Naglalakad kami papunta sa classroom.

Andito pa kami sa field. As usual nagbabanggayan na naman si Luna at Pyro. Nag-uusap naman si Lexi at Sky tungkol sa lulutuin mamaya para sa hapunan. Tahimik lang si Frost.

"Tahimik mo." sabi ko sakanya.

"I'm always like this, Allen. Hindi ako mahilig magsalita," sabi naman niya na di nakatingin sakin.

"Wala pa rin ba ang result? Its been three days."

"Kukunin natin mamaya."

"Sure."

"Allen! Inaaway naman ako ni Pyro. Pagsabihan mo nga siya na 'di ako dapat inaaway!" sabi ni Luna habang nakatago sa likod ko at nagpout.

Tiningnan ko si Pyro. Nakikita kong umuusok naman ang kamao niya habang tinitigan si Luna. Nakahawak pala si Luna sa braso ko.

"Ouch!" nanlaki naman ang mata ko dahil sa sabi ni Luna at binitiwan ako.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko kaagad. Hinawakan naman ni Pyro ang kamay ni Luna at isinuri kung may sugat ba. Binawi naman ni Luna ang kamay niya at tiningnan ng masama si Pyro.

"Wag mo nga akong hawakan!"

"Tinitingnan ko nga lang kong may sugat ba o wala! Diyan ka na nga! Concern ako sa'yo! Pero, fuck! Diyan ka na nga!" at tinalikuran na kami ni Pyro.

"You better talk to him, Luna. He is concern. Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Frost. Tiningnan naman ako ni Luna.

"Parang nakurente ako, e." mahina niyang sabi. Napataas naman ng kilay si Sky.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon