Part 56 Battle

9 2 0
                                    

Allen

"Meivis, alam mo ba kung nasaan talaga ang exact location ni Luke?" tanong ko habang tumatakbo kami nila Frost.

"Hindi ko alam, pasensya na," hinihingal niyang sabi.

Napatigil kami sa pagtakbo ni Frost. Tiningnan namin si Meivis. Hinihingal siya at nakahawak sa tuhod niya.

"We should split up," sabi ni Frost.

"Pero, delikado, Frost. Paano nalan—"

"Allen, kung maghihiwalay tayo marami tayong mapupuntahan. Mabilis ka naman tumakbo."

Napapikit ako dahil sa sinabi niya.

"I'll gave a signal kapag may mangyari."

"Parang malapit lang sa kinatatayuan natin si Luke. Parang ganito yung paligid," sabi naman ni Meivis.

"Kapag wala tayong nahanap babalik tayo kaagad dito. Okay?" tanong ni Frost.

"Meivis, paano ka magbibigay ng signal?"

Alam kong membro siya ng organization pero hindi siya masamang tao. Alam kong may sakit din siya dahil sa pag-ubo niya noon, pero hindi ko alam kung ano ang sakit niya.

"Hmm, ako na bahala doon," binigyan niya kami ng ngiti.

Tumakbo ako papunta sa unahan. Si Frost naman ay tumakbo patungo sa kanan, habang si Meivis ay tumakbo patungo sa kaliwa.

Nakatumba ang ilang building pero kung may nakatayo man ay kalahati nalang ang tumatayo. May ibang building na nasusunog. May nga kotse rin dito sa kalsada, ang iba ay nabangga sa ilang estruktura. Meron naman na nasa gilid lang ng kalsada.

Kahit madilim ay nakikita ko naman ang kapaligiran dahil sa pill na ininom ko kanina. Napatingin ako sa kalangitan, lumilipad doon si Shann. May nakaslubong itong ilang dragon pero inatake niya lang 'yon at lumipad na 'yon palayo.

Saan ko ba hahanapin si Luke?

Wala siya dito sa may buildings.

Sa park kaya? Yung malapit sa may dagat?

Hindi ko pa nachecheck 'yon pero malapit lang 'yon dito. Tumakbo na ako patungo doon. Paglabas ko sa eskinita ay parang naestatwa ang mga paa ko dahil sa nakita ko.

May nakita akong pigura na nakatayo malapit sa malaking puno. Nakatayo ang ilang lamp post na nandito at nagsisilbing liwanag pero mahina lang ito. Nanlaki mata ko dahil hindi lang siya nag-iisa. May dragon na kulay itim siyang kasama.

Hindi..

Alam kong lahat ng dragon ay may pagkakaiba sa isa't-isa, impossibleng hindi ito si Kou. Kahit iba ang kulay niya alam kong siya 'yon!

Allen.

Napatingin ako kay Shann, lumapag siya sa gilid ko.

Iyon ang dragon mo, diba?

Iyon ang tanong ni Shann habang nakatitig sa akin, tumango ako bilang sagot. Alam kong si Kou 'yon kahit nag-iba ang kulay niya. Napalingon kami sa direksyon ng dragon dahil narinig namin ang pag-ungol nito ng malakas, galit na galit ito sa amin.

"Oh?" sabi ng pigura at naglakad palabas sa kadiliman.

"Luke.."

Napalakpak siya at natawa habang umiiling.

"Allen Thunder!" tawag niya.

Tinitigan ko lang siya. Nakasuot siya ng itim na damit, nakagloves pa siya. Pinatungan niya ito ng balabal na kulay itim at pula sa loob.

"Maligayang pagbabalik sa Lungsod ng Cecilia! Nagustuhan mo ba ang surpresa na hinanda ko?"

"Itigil mo ang kahibangan na 'to!"

"E? Hindi pa nga ako nakakalahati sa palabas ko," sabay iling.

"Ang daming tao na nadadamay sa ginagawa mo. Marami ka ng sinaktan. Matutuwa kaya ang Lolo mo kung malaman niya—"

Biglang may lumipad na mga bola ng tubig patungo sa amin. Agad kong iniwasan iyon, tumama iyon sa isang building na nasa likuran ko at sumabog. Nang mawala ang usok ay ang talim ng titig ni Luke sa akin.

"Don't you dare mention my grandfather in this matter."

"Tumigil ka na—"

"Hindi mo maiintindihan ang nararamdaman namin. Hindi mo alam kung bakit ko ginagawa ang bagay na 'to."

"Sinasaktan mo ang nga innocenteng tao dahil sa ginawa mo Luke!"

"Innocente rin kami, ah. Pero, ano? Kami pa ang masama! Humingi lang kami ng tulong dahil nagsisisi si Lolo sa nangyari, walang tumulong kahit isa!" bulyaw niya.

Hindi ako umimik. Hinanda ko ang magic ko sa mga kamay ko, baka bigla siyang umatake.

"Kung tinulungan nila kami noon, itong mga ito," sabay turo sa mga building. "Hindi ito mangyayari. Kaya wag kang magsalita na parang alam mo ang lahat, Allen. Dahil wala kang alam!"

"Gumawa ka ng organization para tumulong, hindi para manakit ng tao, Luke."

Nanlaki mata ko dahil ang bilis niya. Sinakal niya ako at itinaas.

"Wala kang alam, Thunder."

Hinawakan ko ang kamay niya at ipinadaloy ko ang magic ko. Gumawa ito ng pagsabog dahilan para mabitawan niya ako. Napapikit ako dahil tumama ang likod ko sa kalsasa at napaikot ako. Nakita kong nakatayo sa kabilang dulo si Luke.

"Dahil sa pagtanggi ng Lolo mo sa Lolo ko noon, nakita ko kung paano namatay ang ibang membro ng clan namin."

Tumayo ako at hinanda ang sarili ko.

"Dapat din sa'yo ay mamatay," bigla niyang itinaas ang isang kamay, he snapped his fingers. "Dragon, patayin mo ang lalaking 'to."

Nanlaki mata ko dahil sa mabilis na pagbato ng attacke ni Kou patungo sa akin. Kulay itim ang kurente nito, hindi ako makagalaw dahil sa sobrang bilis nito.

"Shann!"

Biglang hinarang ni Shann ang isang pakpak niya, he growled louder and shoot Kou with his magic. Mabilis na lumipad si Kou palayo.

Allen, ako na ang bahala kay Kou. Mag-ingat ka sa kalaban mo.

At lumipad na si Shann. Nagpapalit sila ng attacke ni Kou. Biglang umikot ang paningin ko, sinontok ako ni Luke. Agad akong nag-focus at sinipa siya. Natamaan ko siya dahilan para mapaatras siya.

Sumugod ako at pinaulanan siya ng suntok pero hindi ko siya matamaan. Tumatawa lang siya habang iniiwasan ang suntok ko. Sinubukan ko siyang sipain pero nahawakan niya ang paa ko. Sa isang iglap inikot niya ako at sinipa palayo. Napaikot-ikot ako sa kalsada.

"Ano ba 'yan, hindi man lang ako pinagpawisan, Thunder."

Tumayo ako at sumenyas sakanya.

"Hays, nasasayang ang oras ko. Kailangan ko pang ipagpatuloy ang plano ko."

Napakunot ang noo ko dahil aa sinabi niya. Ano pa ang plano niya?

"Ano ba ang plano mo, Luke?"

"Kailangan ko pa bang sabihin, Allen?" mabilis siyang sumugod at pinaulanan ako ng suntok.

Patuloy ako sa pag-iwas ng sinipa niya ang tiyan ko, dahilan para mapaluhod ako. Napahiyaw ako sa sakit dahil sa pagsipa niya ulit.

"You better keep me busy kung ayaw mong matuloy ang plano ko. But, from the looks of it? Hindi mo na masisilayan ang araw," sabay tawa ng malakas.

"Nakikita ko na ang araw," sabi ko sakanya.

Iniharap ko ang kamay ko sakanya at nagpalabas ng bola ng kuryente. Agad iniharang ni Luke ang mga kamay niya. Tumayo ako at lumayo sakanya, nang mawala ang usok ay hindi mo mababasa ang emosyon sa mukha niya.

Tinanggal niya ang balabal at itinapon sa gilid. May tubig na lumitaw sa paligid ni Luke, sumasayaw sa ere. Ang itim na tubig ay bumalot sa kamay niya.

"Wag na wag mo akong maliitin, Thunder. Dahil hindi pa ako nagsisimula."

———

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon