Allen
Wala pa ring umimik, kinakabahan na ako. Inilibot ko ang ko, nagtama ang tingin namin ni Frost agad akong yumuko para umiwas.
"Allen," tawag ni Mom, tiningnan ko siya, niyakap niya ako kaagad.
"Anong sinabi mo, Annisa, apo?" tanong ni Lolo, nakatayo siya sa harapan namin.
"Yung mata ni Allen," sabi niya habang nakaturo sa akin.
Nagkatinginan kami ni Lolo. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin!
"Nasaan ang kwintas mo?" tanong kaagad ni Lolo.
Napahawak ako sa dibdib ko, wala doon, napatingin ako sa swimming pool.
"Mukhang nahulog ko sa swimming pool, kukunin ko—"
"Wag na si Annisa na ang kukuha."
Agad na lumapit si Ate Annisa sa swimming pool. Tinawag niya si Arthur, namangha ako sa na saksihan ko. Itinaas ni Arthur ang dalawang kamay. May tubig na lumipad sa ere, halos wala ng laman ang swimming pool. Itinaas ni Ate Annisa ang kamay niya at may bagay na lumipad papunta doon. Ibinalik na rin ni Arthur ang tubig sa swimming pool. Naglakad na sila papunta sa amin.
Nang makita ni Lolo ang kwintas ko ay napaluha siya. Niyakap siya ni Aunty Ariella at Uncle Ariello.
"Naipamana ni Mama ang magic niya kay Allen, Papa," sabi ni Aunty Ariella.
"Magpahinga ka sa kwarto, Allen. Austern, Astro, Arthur, samahan niyo si Allen," utos ni Lolo.
Tiningnan ko sina Frost bago tumayo. Kinalabit ko si Ate Elliah.
"Bakit?"
"Ate, ang mga kaibigan ko, baka umuwi sa academy, gabi na."
Naalala ko ang sinabi ni Frost, yung tungkol sa nangyari sakanya nang binisita niya ako sa hospital. Ayaw kong mangyari iyon ulit.
"Lolo, ihahatid ko ang mga kaibigan ni Allen sa guest room," paalam ni Ate Elliah.
"Ashia, samahan niyo si Elliah," utos ni Lolo.
Pumasok na kami sa mansion, diretso kami sa kwarto kung saan kami natulog noong nakaraan pero nadala ako sa hospital. Pinahiram ako ni Austern ng damit. Nagpalit ako ng dakit doon sa banyo sa kwarto, nakahiga silang tatlo sa kama. Si Arthur natutulog na ata.
"Allen, pwede bang tumingin sa kwintas mo?" tanong ni Astro. Tinanggal ko at ibinigay sa kanya.
Humiga ako sa tabi ni Austern.
"Walang masakit sa'yo, Allen? Anything?" natutuwa niyang tanong.
"Wala naman."
"Mga mata mo?"
"Nakikita ko halos anong nangyayari sa dilim kapag ganito mata ko."
"Oh, Astro, ang kay Lola ay kulay blue diba? Tuwing sinusummon niya si Shann."
"Kulay blue naman talaga ang mata ni Shann. Sabi ni Lola kung ano ang characteristics ng dragon mo, minsan magagamit mo 'yon," sabi ni Astro sabay abot ng kwintas.
"Maibabalik ba ang mga mata ko sa normal? Natatakot kasi ako," paliwanag ko sakanila.
"I think ganyan 'yan until hindi mo pa nagagawan ng contract ang dragon mo," sabi ni Astro.
"Pero, kapag tapos na ang paggawa ng contract?"
"Makokontrol mo na ang pag-iba ng kulay ng mata mo."
"Ang swerte naman ni Allen, may dragon siya! Nakakainggit naman," sabi ni Austern.
"Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko."
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...