Part 60 Journey Ahead

22 2 0
                                    

Allen

Nang iminulat ko ang mata ko ay kulay puti ang sumalubong sa akin. Inilibot ko ang mata ko, nakita kong may tatlong lalaki na nakaupo sa upuan at nag-uusap ang mga ito. Nakikilala ko sila dahil sa boses nila.

"A-Arthur?" tawag ko.

"Kuya?! Tumawag kayo ng doctor!"

Agad lumabas sina Austern, narinig kong sumigaw pa sila. Chineck ako ng doctor. Doon ko nalaman na halos linggo ako nakatulog at sinabi na kailangan ko pang manatili sa hospital dahil sa medications na gagawin. Tinawagan nila Arthur sina Lolo. Dumaan ang oras ay dumating si Kuya Allecke.

"They will be here, everybody is helping to restore the town. Pati mga estudyante sa academy ay tumutulong," sabi ni Kuya Allecke.

"Don't worry, Kuya. Binisita ka nila Ate Frost two days ago," sabi ni Arthur.

"Oh, please. They are the ones who watch Allen for the first and two days when he was still unconscious," sabi naman ni Astro.

"Sungit mo, tumulong ka sakanila doon sa labas," sabi ni Austern.

"Lumabas kayo kung mag-aaway kayong dalawa," malamig na saway ni Kuya Allecke.

Agad na tumahimik ang dalawa at humingi ng pasensya. Lumabas si Arthur, kukuha raw siya ng pagkain ko.

"Libing na ni Meivis bukas. Sabado."

"Kuya Allecke—aray," kinurot ni Astro si Austern.

"Saan siya ililibing?"

"May pinaayos si Lolo na lote sa cementary. Malapit ito sa private cementary natin."

"Pwede ba akong makalabas bukas?"

"Kakausapin ko pa ang doctor. May medications ka pa na gagawin."

"I can't believe that she's gone," napatingin ako kay Astro.

"Sinabi mo pa. Tumulong pa siya sa atin sa paghanap ni Lolo noong gabi na 'yon," sabi ni Austern.

"Hindi ba siya na revive ng mga tao sa hospital, Kuya Allecke?" tanong ni Astro.

"That's impossible, the poison already scattered through her veins and she lost a lot of blood. Also, kahit wala siyang malala na sugat she can't survive."

"Huh? Bakit naman, po?" tanong ni Austern. "Makakaya naman siguro ng medic na itigil ang pagkalat ng lason."

"She has problems with her lungs. She's sick."

Napayuko ang kambal at napailing. Hindi ko rin halos matanggap ang nangyari kay Meivis. She didn't even get to see her family before her eyes closed. I can remember kung paano niya sinabi na natatakot siya. Hays.

"Member ba talaga siya ng organization?" tanong naman ni Arthur.

"Yes, that's what she said," sagot ni Astro.

"Alam ba ng officials ang tungkol sakanya?"

"Hindi alam ng higher officials ang tungkol sakanya, Arthur. Kuya Eduward and Erule look for informations about the organization sa mansion ng Merean clan sa Isla Ekis and presented it to the higher officials. I asked them kung may tungkol ba doon kay Meivis and wala raw."

"She's a hidden member, Kuya Allecke. Hindi siguro isinulat ni Luke ang tungkol sakanya. Morgana and Meivis have the same answer, mabait na tao si Luke," sabi ko at napatingin sila sa akin.

"I tried to look for the Aeonas pero wala akong macontact sakanila," sabi ni Kuya Allecke. "I already sent letters about Meivis' death sa lahat ng Aeona na nakatira sa Eastern region pero wala akong natanggap na sulat."

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon