Morgana
"What the heck happened to you, Morgana?!" tanong ni Harvin pagbalik ko sa mansion, dala niya ang kulay niyang pusa. Ano ba ang aasahan mo sa taong kaya kontrolin ang mga hayop?
"Ayos ka lang ba?" tanong naman ni Lance at lumapit sa akin. Inilayo ko ang braso ko sakanya. "Palpak ang mission na isinagawa mo?" tanong niya at inayos ang kulay pula na buhok.
"Tumahimik nga kayo! Bwisit yung lalaking 'yon!" umupo ako sa couch.
Nandito kami sa parte ng mansion kung saan magmemeeting ang buong organisasyon. Bwisit talaga yung lalaking 'yon! Bakit electric ang magic niya?! Sabi ni Luke walang Thunder na nag-aaral sa Denver Academy!
"What the fuck happened with my dress, Morgana?! Sinabi kong hiramin mo! Hindi sunugin o sirain! Fuck you, bitch!" sasampalin sana ako ni Shantal pero may humawak sa braso niya and it was Marko.
"Hindi 'yan sinadya ni Morgana kaya kumalma ka diyan. Damit lang 'yan," sabi ni Marko.
"Paborito ko 'yan ang dress na 'yan! Paano ako kakalma, huh?! Ipaliwanag mo nga!"
"Guys, papunta na si Kuya," napalingon kami sa kakapasok lang, it was Lavishka. "Kamusta ang mission, Morgana?"
"Tss. Hindi ko napatay ang head ng Thunder clan."
"I thought your mission was to, ano, gawin siyang critical at hindi patayin. Nag-iisip ka ba, bitch?" tanong ni Shantal at tinaasan ako ng kilay.
"Nag-iisip ako, hindi ako katulad mo na patuloy sa pagsugod at hindi nag-iisip. Palpak din ang negotiation niyo ni Marko at Kris dahil inatake mo ang transactor. You're a brainless bitch."
Susugod sana si Shantal pero pinigilan siya ni Marko.
"Wag mo na asarin si Shantal, Morgana," saway ni Harvin.
"Kung sakalin kaya kita diyan? Akala mo hindi ko alam? You're suppose to be the one who will do this fucking mission at hindi ako!" bulyaw ko kay Harvin na nakaupo sa tabi ko.
"Ano ba 'yan, puro kayo fucking amg naririnig ko, baka dadami tayo dahil diyan," nilingon namin ang nagsalita, kakapasok lang ni Lance, halatang galing nanigarilyo. "What's up mga bitches?" bati niya.
"Bitch mo mukha mo."
"Oh, Morgana, Babe, anong nangyari sa'yo?"
Inirapan ko nalang siya. Sa lahat ng membro ng organisasyon si Shantal at Lance ang pinaka-ayaw ko. Sarap pag-untogin mga ulo nila.
"May meeting ba ngayon?" napalingon kami sa may pinto. "Morgana! Anong nangyari sa'yo?!" nag-aalalang tanong niya.
"I'm fine, Meivis."
"I'll heal-"
"Malayo 'to sa bituka kaya wag kang mag-alala."
"Kahit na-"
"Gather around," napaayos kami ng upo ng pumasok si Elle, sumunod sakanya si Luke, ang founder ng Black Hexagon Organization.
Napatayo kami at binati siya. Napayuko ako ng magtama ang paningin namin.
"Ayos ka lang ba, Morgana?" nag-aalala niyang tanong.
"Ayos lang, Luke. Pasensya na hindi ko naisagawa ng maayos ang mission."
"Ayos lang. Ipaliwanag mo anong nangyari," sabay upo sa pwesto niya.
Nakaupo sa tabi ko si Lance sa dulo at magkatabi sila ni Harvin, tapos ako at si Meivis, habang si Kris ay umupo sa armrest malapit kay Meivis. Nakaupo sa kabilang couch sila Shantal, Lavishka at Marko. Nakatayo si Elle sa gilid ng inuupuan ni Luke.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...