Allen
Pinuntahan ko si Tiya sa kwarto ko. Kakatapos niya lang mag-impake. Isang malaking backpack ang nilagyan niya ng mga gamit ko.
"Oh, andiyan ka pala. Kakatapos ko lang," sabi ni Tiya ng nakita niya akong nakatayo sa may pinto.
"Ilalagay ko lang ito sa sahig. Aayusin ko muna ang kama para makapagpahinga na si Frost," sabi ko kay Tiya at kinuha na ang bag.
"Sige, pagkatapos mo, may paguusapan tayo," tinanguan ko lang si Tiya at inayos na ang kama. Kumuha rin ako ng bagong kumot para magamit ni Frost.
Lumabas na ako ng kwarto. Naabutan kong nag-uusap silang dalawa sa sala.
"May dorm naman doon sa loob ng academy," sabi ni Frost kay Tiya.
"Pakibantayan si Allen, para sakin. Maaasahan ba kita?" nakita kong napatingin si Frost sa akin at tumingin ulit kay Tiya. Tumango naman siya kahit mukhang napipilitan.
"Wag kayong mag-alala, Tiya. Kaya ko ang sarili ko," dahilan na napatingin siya sa akin.
"Sige na, magpahinga na kayo. Bukas pa naman ang alis ninyo. Kailangan niyo ng lakas."
Tumango nalang kaming dalawa. Kinuha ko ang unan ko at kumot. Dito ako sa sofa matutulog. Pumasok na si Tiya sa kwarto niya at isinara na ang pinto. Tiningnan ko si Frost na hindi parin gumagalaw.
"Wala ka bang planong tumayo diyan at matulog sa kwarto ko? Diyan ako matutulog sa sofa."
"Dito na ako matulog."
"Bisita ka. Doon kana sa kwarto. Kahit muntik na akong mamatay sa takot dahil sa pagsunod mo sakin. Doon ka na."
"Pero—"
"Babae ka, lalaki ako. Kaya diyan na ako sa sofa."
Tumayo na siya at dahan-dahang pumasok sa kwarto ko. Inayos ko na sa hihigaan ko. Pinatay ko na rin ang ilaw.
Sana maging maayos lahat bukas.
——
"Allen, bago ka umalis, may ibibigay ako sa'yo," seryosong sabi ni Tiya.
"Ano naman po 'yon?" tanong ko habang inaayos ang mesa para sa almusal. Natutulog pa si Frost, gigisingin ko siya mamaya.
"Ito."
Napatingin ako sa gamit na hinawakan ni Tiya. Isang kwintas na may one inch na parang crystal na pendant at may silver itong nakadikit sa itaas, itinali naman ito ni Tiya sa pinabili niya sa akin kahapon. Napataas naman ang kilay ko.
"Ang corny niyo naman, Tiya. May pa kwintas pa kayo."
"Hindi sa akin 'to. Nang matagpuan kita sa ilog, mahigpit mong hinahawakan ang pendant ng kwintas na ito," napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Tiya.
"Bakit ngayon mo lang ito ipinakita sakin, Tiya?" sabay kuha ko sa kwintas.
"Kasi, hindi ko pa 'yan na ayos. Natatakot rin ako na kapag suot mo 'yan ay mag-aakala ang mga tao na mayaman ka baka harangin ka sa daan. Sana ay maiintindihan mo ako, Allen," nilapitan ko si Tiya at niyakap.
"Patawarin mo ako, Allen."
"Wag kang mag-alala, Tiya. Naiintindihan ko po kayo. Tsaka, baka hindi ko pa iyan masusuot. Tulad ng sabi niyo, natakot rin ako baka may masamang loob na aatake sa akin kapag suot ko 'yan," sabi ko kay Tiya habang nakangiti para hindi na siya malungkot.
"Basta, balang araw dapat susuotin mo iyan."
"Tiya naman.." napatingin ako sa kwintas. "Ang baduy."
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...