Allen
Naradaman ko sa aking likuran ang bigat ni Pyro. Ang likot talaga niyang matulog, anong oras na kaya? Inaantok pa rin ako. Itinulak ko ng mahina si Pyro palayo at pumikit para matulog ulit.
"Gumising na kayong lahat!" rinig kong sigaw ni Luna.
Narinig ko ang pagbukas ng zipper ng tent namin. Nakita kong ipinasok ni Luna ang kalahati ng katawan niya sa tent, bago pa siya magsalita ay tinakpan ko ang tenga ko gamit ang unan.
"Gumising na kayooooo!" malakas na sigaw ni Luna. Napabangon naman si Sky, habang si Pyro ay tulog pa rin .
"Bakit ka ba sumisigaw?" tanong ni Sky.
"Well, its 7am in the morning. We got a message from the teachers that at 1pm ay pupunta tayong lahat sa beach!" niyugyog naman niya si Pyro para gumising. "Wake up!"
"Luna, ako na gigising sa iba," rinig kong sabi ni Ysabelle.
"Sure!" sabi naman ni Luna.
"Oo na! Gising na ako! Peste!" inis na sigaw ni Pyro. Nakita ko naman ang pagkabigla ni Luna sa sinabi ni Pyro.
"Sorry.."
"Tss. Tumabi ka na diyan. Lalabas na kami," agad namang tumayo si Luna at umalis sa kinauupuan. Tumayo si Pyro at lumabas.
Naabutan naming nakaupo ang iba naming kaklase sa mga upuan. Merong ding naghuhugas ng mukha doon sa river. Kakalabas lang ni Frost.
"Good morning," bati ko, napatingin naman siya sakin. "Good morning," sabay tango sakin.
"Pres, ano ang agahan natin?" tanong ng groupo ni Peter.
"Isda ba ulit?" tanong naman ni Wendelia.
"Oo, bakit? May problema kayo sa isda?" tanong ni Frost.
"Gusto kasi namin kumain ng eggs and bacon with hot chocolate."
"Wala tayo sa mansion ninyo. I hope you remember that we are on a camping trip," sabi ni Frost.
"Well, wala naman problema kung isda na naman ang kakainin natin," sabi naman ni Daniel.
"Mga mayaman kasi," bulong ni Eliza, isang kaklase namin na water magic din ang gamit.
"Pwede naman tayong kumuha ng fruits," sabi naman ni Ysabelle.
"Nga pala, pres, anong gagawin natin sa kinuha niyong items?" tanong ni Earl, ka-groupo nila Ysabelle.
"Girls, kayo ang bahala sa breakfast. Rayu, Daniel, mag huli kayo ng isda. Boys, gumawa kayo ng cr. Gamitin niyo ang shower curtain. Ilagay niyo rin ang cartoon na inidoro at lagyan niyo ng garbage bag."
Agad kaming kumilos at nagtulong-tulong para magawa ang banyo. Sakto, pagkatapos naming magawa iyon ay handa na ang almusal. Kaya kumain na kami, pagkatapos ay naligo na ang iba naming mga kaklase. Tapos na rin akong maligo.
Wala ang dagger ko sa bag. Saan ko ba iyon nilagay?
"Allen, tapos ka na diyan?" tanong ni Sky galing sa labas ng tent.
"Oo, tapos na."
Lumabas na ako. Handa na kaming lahat at nagtungo na kami sa beach. Ibinaon ni Frost at Sky sa lupa ang mga bandanas na nakuha nila. Habang naglalakad kami, pinaalalahanan kami ni Frost na maging alerto sa mga bandana namin.
Pagdating namin sa beach ay konti pa lang ang nandoon, merong ilang taga section 3C. Wala pang taga 4D at 2B. Umupo kami sa buhangin, ilang saglit pa ay nagdatingan na ang ibang taga kabilang section.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...