Part 52 Time Traveller

10 2 0
                                    

Allen

Nagising ako dahil sa lamig ng paligid. Inilibot ko ang paningin ko, nandito ako sa kulungan. Nakakadena pa rin ang kamay at paa ko. Ang lamig ng paligid, parang binabalot ng yelo ang silid.

Sinubukan kong bumangon agad akong napahiga at napahiyaw dahil sa sakit. Ang sakit ng buong katawan ko! Hindi ko maiintindihan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Konting galaw ko lang nararamdaman ko ang sakit.

Sinubukan kong igalaw ang paa ko pero hindi ko maramdaman ang kaliwang paa ko. Naalala kong ginamot ni Morgana ang nabali kong mga buto, pero gaya ng sabi niya, hindi ganun kalakas ang healing spells niya. Sinubukan kong bumangon kahit masakit pero agad akong napahiga, nahihirapan akong huminga.

Nahihilo ako, katapusan ko na ba?

Hanggang dito nalang ba ako?

Dumidilim at nanlalabo ang paningin ko, narinig kong tumunog ang rehas. Napatingin ako doon kahit hindi ko makikita ng maayos kung sino ang pumasok.

Narinig kong suminghap siya. Pinilit kong labanan ang pagkahilo ko. Umupo siya sa gilid ko at tinitigan ako. Napahiyaw ako sa sakit ng hawakan niya ang sa may itaas ng tiyan ko.

"I-I--I'm sorry," sabi niya habang humihikbi.

Pamilyar ang boses ng babaeng ito. Hindi ko alam kung saan ko narinig.

"I-I'm sor--sorry."

Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad habang umiiyak sa gilid ko.

"S-Sa-San-Sana pinigilan ko si L-Luke," sabi niya habang pinupunasan ang mga luha niya.

"I'm really, really, really, sorry, sana mapatawad mo si Luke," naiiyak niyang sabi.

"S--Sino ka?" iyon lang ang nasabi ko.

Napatingin siya sa akin at umayos ng upo. Pinunasan niya ang mga luha niya.

"I-I'm M-Meivis. A--Anong nararamdaman mo ngayon?"

"N-N--Nahihilo ako," nahihirapan kong sabi.

Huminga siya ng malalim, nakita kong itinali niya ang buhok niya at itinaas hanggang sa siko ang sleeves ng damit niya. Lumalabo na ang paningin ko.

Narinig kong tinawag niya ako pero sinakop na ng kadiliman ang paningin ko. Unting-unti rin na humihina ang kangyang pagtawag hanggang sa tuluyan itong naglaho.

Naramdaman kong parang may magic na bumabalot sa buong katawan ko. Iminulat ko ang mga mata ko, sumalubong sa akin ang kulay berde na liwanag mula sa mga kamay niya.

"Please, wag kang mamatay," naiiyak niyang bulong. "Please, bumalik ka."

"Sino ka?" tanong ko, dahilan para lumingon siya sa akin.

"Anong nararamdaman mo ngayon? May masakit pa ba sa'yo, Allen?"

Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Bakit niya ako kilala? Tinitigan ko ng maigi ang mukha niya, nanlaki mata ko ng makilala siya.

"I-Ikaw yung babae sa crystal festival," umiwas siya ng tingin. "Anong ginagawa mo dito?!"

"Mahabang kuwento. Kamusta pakiramdam mo?" at nawala ang liwanag mula sa dalawa niyang kamay.

Pinakiramdaman ko ang katawan ko, hinawakan ko ang bahagi kung nasaan ang nabali kong buto, nanlaki mata ko ng maramdaman kong hindi na 'yon masakit.

"I---I turn back the time."

Bumangon ako at inalalayan niya ako. Napadaing ako sa sakit ng mahawakan niya balikat ko.

"I'm s-sorry! Hindi ko pa 'yan nababalik. Sinabi ni Morgana sa akin na nasira ang ilang buto mo sa iyong rib cage. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para bumalik iyon sa dati."

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon