Part 27 Girls

9 2 1
                                    

Frost

Kakapasok lang namin sa kwarto namin. Malaki, 3 king sized beds, may flat screen tv at dalawang cabinets. May banyo rin na may shower. Inayos ko kaagad ang gamit ko, ganun din si Lexi.

"Wag na wag niyo akong didisturbohin kapag natutulog ako. Akin 'tong kama na 'to," sabi ni Crissandra habang nakahiga sa isang kama, siya ang nasa pinaka dulo.

"Duh, do what you want. Panget ka naman," sabi naman ni Criselia.

"Ikaw ang pinaka panget sa ating apat, stupid."

"Nagsisimula na silang mag-away," bulong ni Lexi.

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Tinaasan ako ng kilay ni Crissandra. Tsk. Para siyang si Tiffany, pero ayos naman si Tiffany kasi alam niya kung kailan titigil. Itong batang 'to parang walang plano.

"Gagawa ako ng harang, para may privacy ka."

"Bilis," utos niya at humiga na sa kama.

Itinaas ko ang kamay ko at sa isang iglap, gumawa ako ng harang yung katulad sa mga hospital. Kurtina na gawa sa yelo. Hindi na namin kita si Crissandra.

"Wow! Ang ganda naman ng magic mo! Taga Northern region ka pala? Wow," manghang-mangha si Criselia.

"Oo."

"Itong kama na to nalang ang atin, kasya naman tayong tatlo," sabi pa ni Lexi.

"Share nalang tayo, itabi nalang natin 'tong dalawang kama," sabi ni Criselia.

"Are you sure?" tanong ni Luna. Tumango lang si Criselia bilang sagot.

"By the way, mga Ate, ano pala ang mga pangalan niyo?" tanong niya.

"I'm Frost."

"Just call me Lexi."

"Luna Moritown."

"Ohhh," tumango-tango lang si Criselia.

Pinagdikit namin ang mga kama. Humiga na si Luna at pumikit. Inayos namin ni Lexi ang gamit namin. Nagsimula ng bumyahe ang barko. Its almost 7. Ang bilis talaga ng oras. Kamusta kaya sila sa kabilang kwarto?

"Hindi ba kayo nagugutom?" tanong ni Lexi.

"Well, nagugutom ako," sagot ni Luna.

"Ikaw, Criselia, nagugutom ka ba?"

"Nagugutom po, ako."

"Tara."

"Luna, yayain mo nga si Crissandra," utos ko.

Pumasok muna ako sa banyo, nag-cr ako. Pagkatapos, naghugas ng kamay at lumabas. Naabutan kong nagsigawan sina Luna at Crissandra.

"I told you not to disturb my sleep!"

"Niyaya ka lang namin kumain, Mada'am," sabi ni Luna na may inis sa boses.

"Crissandra, wag ka ngang ganyan. You can just say 'no' kung ayaw mong sumama. Stop making it a big fuss!" saway ni Criselia.

"Sa gustong sumama labas, sa ayaw magpa-iwan dito," sabi ko ng may authoridad.

Napatingin silang apat sakin. Inisnoban lang ako ni Crissandra. Tsk, gawin kitang yelo diyan. May narinig kaming katok.

"Ayos lang ba kayo diyan?"

Binuksan ni Lexi ang pinto. Bumungad sa amin ang boys.

"Oh? Saan kayo?" tanong ni Lexi.

"Kakain kami ng dinner sa baba. Ayos lang ba kayo dito?" tanong niya ulit.

"Masama ang ugali sa isang tao diyan," sabi ni Criselia.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon