Part 25 Library

6 2 0
                                    

Allen

"Allen," narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Bumangon ka na diyan," sabi niya ulit.

"Ayoko. Inaantok pa ako," sabay talikod ko sa nagsalita.

"Bumangon ka na. Tapos na akong magluto baka lumamig ang pagkain."

"Fine," bumangon na ako. Nakita kong nakatayo si Frost sa gilid ng kama ko, habang suot ang isang green tshirt at pedal shorts na kulay violet.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" taranta kong tanong sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi tayo sasama sa missions hanggang hindi pa magaling 'yang mga kamay mo! Bumaba ka na!" sabay labas ng kwarto.

Minsan talaga hindi ko maiintindihan si Frost. Minsan mabait, minsan tahimik at cool, minsan din ay ganito. Parang naiirita siya sa presensya ko.

Tumayo na ako at bumaba. 9am na pala, wala na ata sina Pyro. Umalis na para kumuha ng missions. Seryoso talaga sila na iwan kami ni Frost dito para gumaling ang mga kamay ko. Ang bango naman ng pagkain.

Umupo ako kaagad sa upuan ko. Kaharap ko si Frost, kumuha na siya ng pagkain niya. Kinuha ko ang tinidor at kutsara, napakagat ako sa labi ko dahil nakaramdam ng kirot ang mga kamay ko. Nabitawan ko ang kutsara at tinidor.

"Oh?" tanong niya.

"Kirot."

"Tss. Ano bang gusto mong kainin?"

"Scrambled egg, tsaka ham, tsaka rice."

Nilagyan naman niya ang plato ko ng pagkain. Kumain na si Frost, habang ako ay sinusubukan kong hawakan ang kutsara at tinidor. Nakakainis, ang hapdi pa rin ng sugat ko.

"Ngumanga ka," napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Frost.

"Hah?"

"Nganga!"

Napa-nganga naman ako dahil sa bigla niyang pagsigaw. Kinuha niya ang kutsara at tinidor ko, kumuha siya ng pagkain galing saking plato at isinubo kaagad sa akin.

"Nakakatakot ka naman," sabi ko ng matapos lunukin ang pagkain na isinubo niya.

"Anong gusto mo? Yung parang bata? May pupuntahan tayo."

———

"Aray."

"Tiisin mo 'yan!" bulyaw ni Frost sakin habang nilalagyan ng ointment ang sugat ko.

"Aray! Dinidiin mo kasi, dapat hindi mabigat ang daliri mo."

"Sige, ikaw nalang mag-apply!"

"Idiin mo nalang," sabi ko at pumikit.

Kakatapos ko lang maligo kanina, may lakad daw kami ni Frost. Pagkababa ko ay inasikaso ni Frost ang sugat ko. Pagkatapos niyang lagyan ng ointment ay tinalian niya ng bandage. Nawawala na rin ang hapdi, pero meron pa rin.

"Tara na."

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Library."

"Ahh, sa school."

"Sa public library sa lungsod kaya tumayo ka na diyan!"

Umalis na kami kaagad ng bahay. Ginamit namin ang scooter ni Frost papunta sa library. Ano kaya ang kailangan niya doon? Ilang saglit pa ay nakarating na rin kami sa library. Bumaba na ako at tinanggal ang helmet ko.

"Tara," sabi ni Frost habang naglalakad papunta sa building.

"Ano ang kailangan mo dito?" tanong ko habang nakasunod sakanya.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon