Allen
"Ang seal ay isang spell na nagkukulong ng magic energy mo at hindi ka makagamit ng kahit anong klaseng magic," paliwanag ng nurse.
Hindi ko alam pero naeexcite ko. Ibig bang sabihin nito na makagamit ako ng magic?!
"Kinuhanan rin kita ng dugo kanina, pagkatapos naming matanggal ang seal sa likod mo para masuri para sa medical files mo," tumango lang ako sa sinabi ng nurse.
"Naalala mo ba ang mga nangyari sa'yo bago ka malagyan ng seal?" tanong ng nurse.
"Hindi ko po alam. Kung bakit ako nagkaroon ng seal. Wala akong alam," nagkatinginan lang sila ni Frost.
"Ang tagal na ng seal na nakalagay sa'yo. Its like its been there for almost 10 years. Mabuti nalang at hindi umabot ng 15 years."
10 years? Teka..
"Bakit kapag lalagpas ng 15 years?" tanong ni Frost.
"Kapag hindi ito natanggal agad. 5 to 10 years, sinisirado nito ang magic energy points mo, kung saan nagproproduce ang katawan mo ng magic. Kaya hindi ka makagamit ng magic, just like what happened to Allen."
Dahil sa seal.. Hindi ako nakagamit ng magic simula palang sa una.
"Kapag lalagpas ito ng 15 years, mamatay ka dahil sisirain ng seal ang internal organs. To Allen's case, muntik na siyang mamatay kanina," nanlaki ang mata ko sinabi niya. Muntik na akong mamatay kanina.
"Don't worry, Allen. Natanggal ko na ang seal sa'yo. Mabuti nalang at nadala ka dito kaagad dahil ang seal ay makatali na sa puso mo at lungs mo. Kaya, noong pumasok ka sa office ni Sir Thunder na trigger ang seal."
"Bakit naman natrigger? 15 years naba?" umiiling siya.
"May laser sa pinto ni Sir Thunder for special purposes. Para malaman kung kaaway ba o hindi. Natrigger ang seal dahil ang naglagay sa'yo ng seal ay galing sa Merean clan. Kaaway 'yon ng mga Thunder," sabi ni Nurse.
"May nakaaway ka ba na taga Merean clan?" tanong ni Frost.
"Hindi ko kilala ang Merean Clan at wala akong nakaaway."
"Magpahinga ka muna, Allen. By the way, I'm Marem Orthow. Head nurse of the clinic."
"Allen Prigobado, po."
Tumango lang siya at umalis na. Matutulog na sana ako ng nagsalita si Frost.
"I thought wala kang last name. Prigobado?" habang nakataas ang kilay.
"Its Tiya Pella last's name. Ipinagamit niya sakin for school purposes," tumango lang siya.
"Aalis muna ako, pupunta ako sa dorm-" hindi niya natuloy ang sinabi niya dahil may sumulpot na isang babae at lalaki na nakauniform.
"Oh my gosh! You're finally here! Bakit hindi ka dumiretso sa dorm?! Maraming akong kwento saiyo Frosty!" sabi nung babae. Ang buhok niya ay hanggang balikat at sobrang kintab nito, kulay dark blue. Maputi rin ang kanyang balat at medyo malaki ang mata, matangos rin ang ilong at pinkish ang kanyang pisngi.
"Ang ingay mo naman, Luna! Nakikita mo bang merong nakahiga at nagpapahinga?!" saway ng lalaki na kasama niya. Maputi rin ang kasama niyang lalaki may freckles ito sa pisngi niya. May red highlights siya sa buhok. Napatingin naman sila sakin.
"Sorry talaga, hehehe."
"Bumalik na kayo sa dorm," sabi ni Frost sa mga bagong dumating.
"You'll not introduce me to the new student, Frosty?" sabay pacute nung babae. Tinawag niyang Frosty si Frost? Hindi ata bagay.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...