Allen
May narinig akong katok at nagsasalita sa likod ng pinto. Gusto ko pang matulog.
"Allen!"
Bumangon na ako at binuksan ang pinto. Nakita kong nakauniform si Frost at nakapameywang siya habang nakaharap sakin. White longsleeve polo ang suot niya at longsleeve blaser na kulay sky blue, may necktie na itim rin ang suot niya. Gray ang kulay ng skirt niya at black knee socks and black shoes, nakabagsak ang buhok niya. Ang ganda—nevermind.
"Bakit?"
"Anong bakit?! Malalate na tayo! Umuna na silang lahat! Maligo kana nga at mag bihis ng uniform nasa closet ang uniform mo!" sabay baba ni Frost.
Pumunta na ako sa banyo dala-dala ang towel ko na kulay dilaw. Iyon lang kasi ang mataas na towel na nakita ko sa isa sa mga closet ko. Naligo na ako at nag toothbrush na rin. Pagkatapos pumunta na ako sa kwarto at nagbihis. Isang white long sleeve polo ang suot ko, may black necktie at grey slocks at black shoes. Mabuti nalang at kasya 'to sakin.
Binuksan ko ang closet kung saan ko kinuha ang uniform ko, may p.e. uniform din doon at white shoes. May dalawang backpack at isang beltbag. Kinuha ko ang isang backpack na kulay brown, binuksan ko ang bag ilalagay ko na sana ang notebook ko ng may laman ito. May mga books narin, cheneck ko ang schedule ko, nagmatch sila sa books na nasa loob ng bag. Ipinasok ko na ang tablet at ang journal.
Sinilip ko ulit ang kwintas na nasa bulsa ng bag, kinuha ko ito at inilagay sa loob ng drawer ng bed side table at nilock. Lumabas na ako dala ang bag ko at bumaba na. Naabutan kong kumakain si Frost. Inilagay ko sa sofa ang bag ko at umupo sa harap niya at kumuha narin ng pagkain.
"Ang tagal mo! Bilisan mo na diyan," tumayo na si Frost at iniligpit ang pinagkainan niya.
Pagkatapos naming kumain umalis na kami, ni lock namin ang gate. Tumakbo na kami papunta sa school, nag log-out narin kami. Ang layo naman ng school building, bakit ba kasi ang lawak nitong field.
"Saan ang building natin?" tanong ko habang tumatakbo kami.
"Last building. 5th floor."
"Ano?! Naman, oh." 5th floor pa.
Tumatakbo na kami sa gitna ng hallway ng dalawang building. Hanggang sa huminto si Frost sa harapan ng elevator. May elevator pala sa building namin. Pumasok na kami sa elevator, pinindot kaagad ni Frost ang 5th floor. Ilang saglit pa ay bumukas ulit ang elevator.
Lumabas na kami at naglakad sa hallway. Huminto kami sa harapan ng isang classroom.
Class 4 - 1A
Binuksan ni Frost ang pinto. Nakita kong may guro na napatingin sa amin, naputol ata ang sinasabi niya dahil sa pagbukas ni Frost ng pinto. Magsasalita na sana siya ng makita niya ako.
"Ms. Vallen, you're with the transferee kaya ka late?"
"Yes, Sir." sagot ni Frost sa guro namin.
"Pumasok na kayo," pumasok na kami sa classroom.
May platform sa harapan, doon nakatayo si Sir habang dala-dala niya ang isang mahabang stick at may isang table sa harapan niya. Each student ay may kanya-kanyang desk at upuan, sa gilid ng desk nilalagay ang bag. May locker sa likuran na bahagi ng room. Meron ring mga charts na nakalagay sa mga walls sa room.
"Magpakilala ka muna." sabi ni Sir...
Tumayo ako sa harapan. Nakita kong ngumiti si Luna sakin, kumaway rin si Lexi. Nakaupo sa likod nila sina Pyro at Sky, tinanguan lang nila ako. Nakatingin ang ibang estudyante sakin, meron ring walang paki. Nakita kong umupo si Frost sa upuan niya. Malapit siya sa bintana at katabi niya si Lexi.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...