Part 33 Glimpse

11 3 0
                                    

Allen

"May nakatago sa likod ng punong 'yon," sabay turo ko sa puno sa unahan.

"May nararamdaman akong presensya pero hindi ko nakikita," paliwanag niya.

"Nakikita ko siya," sabi ko kay Frost at tiningnan siya.

"Damn," sabi niya ng nagkatitigan kami.

Iniharap niya ang palad niya sa punong 'yon at pinaulanan ng ice shards. Matapos paulanan 'yon ni Frost, biglang may lumipad na mga arrows papunta sa amin na gawa sa yelo agad kaming umiwas.

Nang wala ng lumilipad na mga arrows tumakbo si Frost papunta sa direction na 'yon. Sumunod ako kaagad.

"Frost, yuko!" babala ko sakanya dahil may sanga na nakaharang.

Yumuko naman siya at nagpatuloy sa paghabol sa taong nagpaulan ng arrows. Patuloy kami sa pagtakbo, hanggang sa malapit na namin mahuli ang taong 'yon.

"Snow!" sigaw ni Frost.

Napatigil naman sa pagtakbo ang tao, tiningnan niya kami. Ang sama ng tingin niya sa amin.

"Bumalik ka sa bahay," sabi ni Snow sa amin.

"Give the emblems back!"

"You do not understand!"

"Because you always shut your mouth!"

Bigla siyang gumawa ng harang na gawa sa yelo. Agad kong binato iyon gamit ang kapangyarihan ko at hinabol na namin siya. Napatigil kami sa pagtakbo ng napansin namin ang cliff. Huminto si Snow sa edge ng bangin.

"Ipaliwanag mo ang sarili mo ngayon!" galit na bulyaw ni Frost sa kapatid.

"I don't owe you an explanation," malamig na sabi ni Snow bago tumalon sa bangin.

"Tsk."

May narinig kaming tumunog, pagtingin namin sa baba ng bangin, may daanan ng train. Ilang saglit pa ay mas lumakas ang tunog nito, nakita na namin ang ilaw. Tumalon si Frost pababa, sumunod naman ako.

Agad na tumakbo si Snow papasok sa train. Sumunod kami kaagad ni Frost. Tumatakbo si Snow papunta sa pinakaunang area ng train. Nakasunod naman kami ni Frost. Habang tumatakbo kami, napansin kong wala atang pasahero. Parang may mali sa train na ito. Hindi siya katulad sa sinasakyan namin papunta sa northern region.

"Frost, parang may mali," sabi ko habang hinahabol namin si Snow.

Pagkabukas ni Snow sa huling pinto, mabilis na tumalon si Frost papunta sa kaptid niya dahilan para mapatumba sila. Hinawakan ni Frost ang buhok at dalawang kamay ng kapatid.

"Oh, what a surprise, you brought them here," sabay tawa ng isang babae.

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa naabutan namin ni Frost. Bumungad sa amin ang isang babaeng nakasuot ng pulang dress, naka red high heels siya at mapula ang lipstick niya kagaya ng buhok niya. All red. Kasama niya ang babaeng nanggulo sa Moon festival, yung babaeng kumokontrol ng tubig, yung dahilan na nagkasugat si Sky sa braso nun.

Hindi parin umaalis si Frost sa likod ng kapatid. Hindi na rin lumalaban si Snow at hinayaan si Frost.

"Patayin ko ba ang mga dala niya?" tanong ng babaeng kumokontrol ng tubig sa babaeng nakapula.

"It will be a mess. Tsaka, hintayin nalang natin sina Marko. Malapit na silang dumating."

"Anong plano niyo sa family emblem namin?" tanong ni Frost na may bahid ng galit sa

"Oh, gusto lang namin gawing decoration sa hideout namin, because its beautiful, a work of art," sagot ng babaeng nakapula.

"Ibalik niyo ang emblems ng pamilya namin!"

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon