Allen
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ng tumalon ako sa tulay. Gusto ko lang subukan kung babalik ba ang alaala ko. Yung panaginip ko, yung bangungot kung saan may nakita akong isang bata na itinapon nila sa tubig, ako 'yon.
Akala ko noon na bangungot, but it was a memory, alam kong ako ang bata na tinapon nila sa tubig. Sa bridge na ito nila ako tinapon.
Nang tumalon ako sa tubig, naging blanko ang isipan ko. Hinanda ko ang isipan ko sa mga memorya na possibleng papasok pero wala. Blanko lang, kahit anong pilit, wala talaga.
Kaharap namin ngayon ang babaeng nagsulat ng libro tungkol sa Blorosie, unang kita ko sakanya. Familiar na talaga siya, hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Pero sinabi niyang tinulungan niya raw ako noon at hindi ko iyon naaalala.
"Pwede ba 'yon? Hindi ba bawal? Wait, totoo ba?!" napatingin ako kay Pyro, halatang naguguluhan.
"You can cast spells and you have earth magic at the same time?" tanong ni Luna.
"Yes, I can."
"Hindi ba bawal? I mean, dapat isa lang ang magic mo, unless na kagaya ni Allen na may dragon magic," sabi ni Pyro.
"Bawal nga, it can cause chaos in the society. Kaya nandito ako sa gubat nakatira," sagot niya. "Its an order from the higher officials," dagdag niya pa.
"Bakit hindi ko maalala?" napatingin sila sa akin. "Bakit hindi ko maalala na tinulungan mo ako?" tanong ko sakanya.
"Dahil sinabi mong ayaw mo maalala ang lahat."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ginawa ko ba iyon? Sinulyapan ko sila Frost at tiningnan ulit si A.S. seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Sabihin mo lang na kukunin mo ulit ang memorya mo at ibabalik ko ito kaagad."
"May kakayahan kayong ganun?" tanong ni Sky.
"Yes, there is a certain spell to erase some memories and there is a spell to retrieve it back."
"Bakit hindi mo ito binalik kaagad? You can just give it to Allen, hindi mo ba alam na nahiwalay siya pamilya niya for ten years?" sabi ni Luna.
"Because, I remember what he told me. He wants to forget. Kaya tinatanong ko siya ngayon kung gusto niya ba kunin ulit."
Humigop ako ng konting tsaa para kumalma ng konti. Bakit ko sinabi ang mga bagay na iyon? Kagustuhan ko ba ang makalimot? Bakit?
"Kukunin ko."
She just smiled, tumayo siya at kinuha ang teacup na ginamit ko. May kinuha siya sa cabinet, isang bote na may laman na likido, kulay asul at umiilaw ng konti. She poured all contents in the cup, bumalik siya at inilapag ang teacup.
"Ano 'yan?" tanong ni Pyro.
"Its an elixir? Potion?" tanong ni Lexi.
"A potion, but its a different one. I created it with all of Allen's memories."
Tinitigan ko ang cup, nakita ko ang reflection ko. Kung iinumin ko ito, mababalik na ang alaala ko. Maaalala ko na ang mga pinagsamahan namin ni Lola. Kukunin ko na sana ang teacup ng pinigilan ako ni Frost.
"Sigurado ka bang potion 'yan na may laman na alaala ni Allen o iba 'yan?"
"Well, I'm sure, kapag maubos ni Allen ang laman niyan ay maalala niya lahat ng alaala niya."
Tiningnan ko si Frost, tiningnan niya ako. I just nodded, umayos siya ng upo at kinuha ko na ang teacup. Walang amoy, ano kaya ang lasa nito? Ininom ko na ang likido na nasa teacup.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...