Frost
"Ang tagal naman nila Allen. Baka may nangyari na kay Allen," sabi ni Luna na may bahid na pag-alala ang boses.
"Ano ka ba, ayos lang si Allen ngayon," sabi naman ni Pyro.
"Alam mo naman na wala akong tiwala sa Morgana na 'yon. Bakit ka ba kasi pumayag, Frost," sabi ni Luna habang nagpipintura sa isang stall.
Ang request na ginagawa namin ay kulayan ang limang stalls. So far, dalawa na natapos namin. Isang oras na ang lumipas hindi pa rin bumabalik sila Allen at Morgana.
"Hindi ka ba nag-aalala para kay Allen?" tanong ni Lexi habang nagmimix ng pintura.
"Nag-aalala naman."
"Bakit kasi pumayag ka," Sabi naman ni Luna.
"Gusto kong malaman kung anong meron kay Morgana. Alam kong may sasabihin si Allen sa atin mamaya," sabi ko kay Luna.
"Paano kung merong mangyari?"
Napahinga ako ng malalim. Alam ko kung anong tumatakbo sa utak ni Luna. Wala rin akong tiwala kay Morgana. Unang kita ko pa lang sakanya ay nagdududa na ako na meron siyang tinatago. Mas lalo akong nagduda sakanya nang sinabi ni Allen na nakita niya ito ng ilang beses na uminom ng gamot. Hindi ko alam kung ano ang gamot na iniinom ni Morgana. Naalala ko tuloy ang usapan namin ni Peter.
"Peter, sa groupo mo inilagay si Morgana."
Nasa rooftop kaming dalawa at nararamdaman ko ang simoy ng hangin. Kailangan ko siyang makausap tungkol kay Morgana.
"Oo, bakit? May problema ba, Frost?"
"Can you keep an eye on her?"
"May problema ba, Frost?"
"Wala naman. Gusto ko lang na bantayan mo siya. She's a transferry. Hindi pa natin siya ganun ka kilala."
"No problem. Ako ang bahala."
"Sana walang ibang makakaalam tungkol dito, Peter."
"Makakaasa ka, President."
Magsasalita sana ako ng naunahan ako ni Pyro.
"Oh, andiyan na pala silang dalawa," sabi ni Pyro habang nakatingin sa isang direksyon.
Napatingin naman kami kung ano ang tinitingnan niya. Nakita naming papunta na sina Allen at Morgana sa table ni Miss Arisma. Nag-usap sila saglit at pumunta na si Allen sa aming pwesto.
"Oh, ang tagal mo naman, Allen," bungad ni Sky habang nagpipintura.
"Nag-request kasi ang librarian kasi na ayusin namin ang mga libro."
"May nangyari ba bukod doon?" tanong ko. Napakamot naman siya sa ulo niya.
"Hindi ako sigurado sa nakita ko, e."
"Ano ba kasing nangyari?" tanong naman ni Luna.
"Napa-hatching kasi ako kanina at nahulog ako sa hagdan kasi mali ang natapakan ko. Nauntog pa nga ulo ko."
"Tapos?" tanong ni Pyro.
"Parang nakita kong kulay violet ang buhok ni Morgana."
"Violet?" tanong ni Luna at napaisip. "Baka paningin mo lang 'yon, Allen?" tanong naman ni Luna.
"Hindi nga ako sigurado kasi nawalan ako ng malay. Si Morgana na ang nagsabi na nahulog ako sa hagdan at nauntog ang ulo ko kaya nawalan ako ng malay."
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...