Part 7 Mask

25 3 0
                                    

Allen

Naka pedal shorts ako at white tshirt, sinout ko rin ang rubber shoes ko na nandito. Isuot ko kaya ang kwintas? Wala namang mawawala.

Kinuha ko ang kwintas sa drawer at isinuot. Itinago ko sa loob ng tshirt ko ang pendant. Wala lang trip ko lang suotin at itago. Bumaba na ako, naabutang ko tinatali ni Frost buhok niya. Naka blue tshirt si Frost at shorts, naka black highcut shoes naman siya. Nakita niya ako sa may hagdan.

"Tara na," sabi niya sakin.

Lumabas na kami sa dorm at pumunta na main gate ng school. Meron din mga estudyanteng palabas ng school, meron ding papasok.

Kinuha na ni Frost ang scooter niya at pinaandar. Sumakay na ako at bumyahe na kami. Habang papunta kami sa lungsod biglang tumunog ang tiyan ko. Narinig ko namang tumawa si Frost. Ang gandang pakinggan ng tawa niya. Ay, teka 'di ko 'yon sinabi!

"Tiyan mo 'yon?"

"Oo, gutom kasi ako."

"Kumain muna tayo bago pumunta sa boutique."

Lumabas na kami ng school, sumalubong na sa amin ang mga nagtatasang building. Meron kaming nakakasalubong na mga estudyante. Ilang liko ang ginawa ni Frost at huminto kami sa isang shop.

"Bumaba ka na."

Bumaba na ako, bumaba na rin si Frost at naglakad na papasok sa shop. Sumunod rin ako, pagkapasok ko sumalubong sakin ang amoy ng kape. Medyo tahimik ang shop na 'to. Konti lang ang costumer's dito, pumunta agad sa counter si Frost at nag-order. Ihahatid lang yung pagkain namin, umupo na kami sa isang table.

"So, anong plano mong suotin?" tanong niya sakin.

"Uh.. Hindi ko pa alam.."

"After sa pagbili ng susuotin natin ay kailangan natin bumili ng mask," tumango lang ako.

Dumating yung order namin at kumain na kami. Chocolate sandwich at iced coffee ang order ni Frost. Sa akin naman ay fish fellet with rice and french fries at orange juice.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami kaagad sa boutique. Pagpasok namin konti lang ang tao, may mga estudyante ring pumipili ng gown nila. Pumunta kami sa gowns. Maraming klase at iba't-ibang kulay. May kinuha si Frost na kulay blue na gown. Ball gown ata tawag nito.

"Too fancy?" tanong niya sakin.

"Oo.." ibinalik niya ito at naghanap ulit.

"How about this?" sabay kuha ko ng red na gown. May feathers ito sa sleeve at sequence at ball gown rin. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Mukha akong manok kapag susuotin ko 'yan. Seriously, Allen?" at ibinalik ko na iyon.

"How about this?" sabay kuha ko sa isang white na gown, parang snow, hindi ito gaanong bongga or fancy. Simple lang. Konti lang ang sequence.

"I'll try this," sabay kuha niya sa napili ko.

Naglakad na siya papunta sa fitting room. Umupo lang ako sa sofa nila dito at hinintay si Frost. Sa kabilang dulo ng shop ay nandoon ang mga suite for boys.

"I think hindi bagay."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakatayo si Frost sa harapan ko at nakapeymewang. Medyo, hindi nga. Maganda ang gown, pero hindi ito bagay kay Frost. Baka dahil maputi siya?

"Ikaw nagpili nito. Sapakin kita diyan."

"Hanap nalang tayo ng iba," umirap si Frost at pumasok sa fitting room. Ilang saglit pa ay lumabas siya dala-dala ang gown at ibinalik ito sa kinuhanan namin.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon