Frost
Sinusundan namin si Morgana papasok sa isang eskinita. Damn, dito pa talaga siya pumasok. Ang daming pasikot-sikot dito. Tahimik lang na sumusunod si Allen sakin. Ang dilim, walang masyadong ilaw dito. Tumigil kami sa isang eskinita, napatingin kami sa paligid kung nasaan si Morgana pero wala.
Ano bang gagawin niya sa lugar na ganito?
"Mukhang wala naman si Morgana dito," bulong ni Allen.
"Nakita ko siyang tumatakbo papunta dito," bulong ko naman.
May nakita kaming babae na kulay pink ang buhok na puti ang dulo. Nakatingin siya sa amin ni Allen, nakasuot siya ng isang medieval dress na kulay pula at itim. Who is she?
"Allen, baka isa siya sa mga kalaban," bulong ko kay Allen.
Naging alerto naman si Allen at hindi tinatanggal ang tingin sa babae. Naglalakad siya papunta sa pwesto namin. Nakakapagtaka naman kung ano ang ginagawa niya sa lugar na ito, elite ba siya kagaya nila Allen?
Hindi siya taga rito. Kilala ko halos lahat ng tao na nakatira sa Lungsod ng Cecilia. Hinanda ko ang kamay ko, umuusok ito ng konti dahil sa lamig.
Tumigil siya ilang metro malayo sa amin. Nakatingin siya sa amin, tila sinusuri ang aming mga mukha.
"Sino ka?" tanong ko sakanya.
"Hindi ako kalaban," napakunot naman ang noo ko dahil sa sinagot niya.
"Hindi ko tinatanong kung kalaban ka ba o hindi. I'm asking for your name," sabi ko na may diin ang salita.
Huminga lang siya ng malalim, magsasalita sana siya ng lumingon sa isang eskinita sa kanan, itinaas niya ang kanyang kanang kamay tila pinapahinto sa pagsalita kung sino man iyon.
"Hindi kayo ang pakay ko, hindi rin ako ang pakay niyo. Hindi ako magsisimula ng gulo," sabi niya.
Magsasalita sana ako ng bigla siyang umubo at napaupo sa lupa. Para siyang inaatake ng sakit niya, mukhang malala ang ubo niya. Tumakbo ako para tulungan siya pero iniharang niya ang kamay niya sa eskinita at ang isa sa amin.
"Wag kayong lumapit, ayos lang ako," sabi niya na tila nahihirapan sa paghinga.
"Pero, may dugo ang kamay mo! Hindi ka maayos!" sabi ko sakanya.
Napansin kong parang mabagal ang takbo ng oras. Kanina pa ako tumakbo papunta sakanya, dapat nasa tabi ko na siya. Napalingon ako kay Allen, bakit ang bagal ng kilos ko?! Ang tagal tumama ng paa niya sa lupa. Tiningnan ko ang babae, may naramdaman akong vibration na lumalabas galing sa kamay niya.
Isa ba siyang time traveller?!
Ikinuyom niya ang mga palad niya, naramdaman kong hinawakan ni Allen ang balikat ko. Napatingin ako kay Allen, nakakunot ang noo niya.
"Ang weird, kanina pa ako tumakbo para hawakan ka," bulong ni Allen.
Tiningnan ko ang babae, parang nanghihina siya.
"Hindi ka maayos, anong pangalan mo?"
"Hindi na mahalaga ang pangalan ko. Tulungan niyo na ang kaibigan niyo. Baka ano pa ang mangyari sa kanila. Kailangan nila kayo."
"Huh? Paano mo nalaman na kailangan nila kami?" tanong naman ni Allen.
"Heto, isa itong relieving powder. Gawa 'yan ng isang healer na kaibigan ko. Sana maging mabuti na ang kondisyon mo," sabay lagay ko ng isang sachet na may laman na kulay lavender na powder sa kanyang harapan.
"Let's go, Allen," sabay talikod ko sa babae.
"Salamat, sana maging maayos na ang lahat," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...