Allen
Kakatapos lang namin magtraining. Tatlong buwan na ang lumipas at panghuling training ang ginawa namin kanina. Ang daming obstacles na aming pinagdaanan sa training. The first four weeks ng training ay ganun lang, takbo, push ups, at kung ano pang exercise ang ginawa namin. Sabi ni Sir Yakada para raw iyon na lumakas at mas matibay ang aming katawan.
The fifth and sixth week ay pinatalon kami sa bangin, diretso sa dagat. Kinakabahan nga ako nung pinaka una kong pagtalon sa bangin, ang taas kasi at siguradong malalim ang aabutin ko sa dagat. Nang tumama ako sa dagat nun, ang lalim ng inabot ko. Ginawa ko lahat makakaya ko para makuha ang flag na nasa ilalim ng dagat. Kailangan namin kumuha ng isa at maihatid iyon kay Sir Lake. Hindi ka pwedeng pumunta sa seashore kung wala kang dalang flag. Lahat kami natuto lumangoy dahil sa training na iyon. Nilagnat nga si Pyro after a week dahil sa training na iyon.
The next two weeks ay ang pagkontrol at pagpalakas naman ng magic namin ang pinagsanayan namin. Ngayon ko lang na subukan na may electrical flow na lumabas sa kamay ko at ang lakas ng damage, sabi nila Sir Yakada. The following two weeks ay sa gabi kami nagtratraining. Nakakaantok nga nung una. Pinagalitan kaming lahat ni Sir Yakada. Kailangan namin maging alerto sa bawat oras, kahit sa oras ng pagpahinga dahil sa mga missions, hindi natin malalaman kung kelan susugod ang mga kalaban. Nasanay na rin ako sa pagtraining ng gabi kaya walang problema.
Then, another week, we train to use our weapons. Kung ano ang mga techniques, sa tamang paghawak, sa paggamit nito. Sabi rin ni Sir Yakada, sa isang labanan kailangan mong mahanap ang weak spot ng kalaban mo. Kailangan mong bantayan ang lahat ng kilos niya, kailangan mabilis ka rin makabuo ng plano kung paano mo siya patumbahin.
The last two weeks, tinuran kami ni Sir Yakada kung paano ipadaloy ang magic namin sa weapons namin. Nakakamangha nga, kahit na nagawa ko ito noong camping, nakakamangha pa rin. Nang malapit ng matapos ang training namin ay pinaglalaban kami sa kabilang sections, hand to hand combat at bawal ang weapons.
Masasabi kong naging malakas nga ang mga schoolmates ko. Naramdaman ko rin naman na naging malakas ako, mas kontrolado ko na ang magic ko hindi kagaya noon kapag kabahan ako ay magpapatay sindi ang ilaw.
"Hey, lalim ng iniisip mo," napatingin naman ako kay Sky na nagkakape.
"Wala lang. Hindi ako makapaniwala na tapos na rin ang three month training natin."
"Sabi mo pa! I can't wait na makapagpahinga ako the whole day bukas!" sabi ni Pyro pagkatapos ay tumawa.
"Makapag beauty rest na rin ako sa wakas!" sabi ni Luna habang nagpapantasya.
"Hindi niyo narinig ang annunsyo kanina? May klase daw bukas."
Napatingin kami kay Frost na nagkakape habang nakaupo sa isang hakbang sa hagdan.
"Ano?!" sabay namin na sigaw nila Pyro at Luna. Napaubo pa si Sky dahil sa sinabi ni Frost.
"Klase daw," sabi ni Lexi habang nagluluto.
"What?! Hindi ba tayo pwede magpahinga?! Nakakainis naman oh!" reklamo ni Pyro.
"One month daw na magklase. Pagkatapos ay magsisimula na tayong kumuha ng missions," paliwanag ni Lexi.
"I guess, mas mabuti na iyon kaysa diretso tayong sasabak sa pagkuha ng missions," sabi naman ni Sky.
"Lunes na bukas, ibig sabihin ay klase na. Hays," ramdam ko ang pagod sa boses ni Luna.
"Goodluck nalang sa akin bukas! For sure makakatulog ako sa loob ng klase," sabi naman ni Pyro.
Ano kayang mangyayari bukas?
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...