Part 46 Full Moon

6 0 0
                                    

Frost

Pagkatapos inumin ni Allen ang laman ng teacup ay nabitawan niya ito. Dahilan para mabasag sa sahig. Tinawag siya namin ni Sky pero wala na siyang malay. Tiningnan ko si A.S.

"Anong ginawa mo?!"

"Oh, calm down, Vallen," tumayo siya at may kinuha sa cabinet, isang folding bed. Inayos niya ito at tiningnan ulit kami. "Boys, pakilipat si Allen dito."

Agad naman sumunod si Sky at Pyro. Pinahiga nila si Allen doon sa folding bed. Tumayo si A.S. at binuksan ang dalawang palad, iniharap niya ito kay Allen sabay bigkas ng isang spell. Ilang saglit ay merong barrier na lumitaw.

"That should do it," at bumalik sa kinauupuan niya. "Now, Vallen, you can open that book," she just smiled and drink her tea.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o hindi, sinulyapan ko si Allen. Totoo kaya na magkakilala sila ng babaeng 'to? I don't trust her that much, lalo na alam niya ang tungkol sa Blorosie at isa siyang spell caster. Damn it, nadamay silang lahat dito dahil sa kagagawan ko. Napalingon ako kay Lexi na hinawakan ang kamay ko.

"Open it," bulong niya.

Tiningnan ko ang libro, matigas ang cover nito. Kulay itim at gold and kulay ng mga letra na nasa harapan.

Everything you need to know

Umusog si Luna papunta sa akin. Tiningnan ko si A.S. bago buksan ang libro. Bumungad sa amin ang walang laman na pahina, I flip another page, hanggang sa wala talagang laman.

"Are playing tricks with us, A.S.?"

"You can call me Aloe. Stop with the A.S."

"Walang laman ang libro, baka nagkamali ka ng bigay sa amin," sabi ni Pyro.

"Gaya ng libro walang laman, there is no need for you to know about the Blorosie," sabay lapag ng teacup.

"Baka may spell siya na inilagay sa libro," bulong ni Luna.

I scanned the pages again. Maliwanag naman ang buong silid pero walang letra na makikita.

"Maybe a special type of ink?" tanong ni Sky.

Tiningnan ko si Aloe, she just smiled.

"I'll let you borrow that book until magising si Allen. I'll prepare dinner, kukuha muna ako ng gulay sa labas," at tumayo na siya.

"Tutulong ako, marunong ako magluto," presinta ni Lexi.

"Sure, Clearia. Let's go," at may inabot na basket kay Lexi.

Lumabas na silang dalawa sa bahay, kinuha ni Sky ang libro mula sa akin at binasa iyon. Lumipat si Luna sa tabi ni Sky.

"Ilang araw kaya maging ganyan si Allen?" tanong ni Pyro.

"Araw?" tanong ni Luna. "Baka gigising na siya mamaya."

"It will probably took days, Luna," sabi ni Sky.

"Nakaexperience ka?"

"No, but I read some articles about that. May mga ganitong kaso rin, it takes three to five days bago magising ang tao pagkatapos na uminom sa potion," sagot ni Sky kay Luna.

"Sky, anong ibig mong sabihin na tungkol sa special ink?" napalingon siya sa akin.

"Merong ink na kapag isinusulat mo na ay mawawala siya pagkatapos mong isulat. So, I think ganun na ink ang ginamit ni Aloe sa librong ito."

"Paano natin mabasa kung ganun?" tanong ni Pyro.

"Sabi nila we can use the magic element of the writer at sa kaso ni Aloe. Walang isa sa atin ay earth magic user or spell caster."

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon