Allen
Nakakapagod talaga ang camping. Andito kami sa barko ngayon, hapon na at papunta kami sa bayan ng Lun. Kakatapos lang naming kumain ng lunch sa isla. Kahit nakakapagod ang camping masaya pa rin kami.
Noong nahimatay ako after sa laro na naka sword fight ko si Bright, may poison yung sword niya. Mabuti nalang at nagamot nila ako kaagad. Kinausap naman ni Sir Yakada si Bright tungkol dito.
Nagkaroon ng tie, first time in the history na naging tie ang 1A at 2B sa seniors. Pantay ang points na naipon namin, tsaka pangalawa ang 3C at pang huli ang 4D. Masama pa rin ang loob ng ibang 4D sa amin. Wala namang paki ang 3C, merong mga sariling mundo, pati ang 2B.
"Ang sakit talaga ng katawan ko," reklamo ni Pyro at humiga sa kama niya sa double deck.
Umakyat na rin ako sa kama ko at humiga.
"Festival na ngayon, pupunta tayo doon kaagad!" masayang sabi ni Luna.
"Magpapahinga muna tayong lahat," annunsyo ni Sky.
Pumikit na ako at natulog.
———
"Allen," narinig kong tawag sakin ni Frost. Minulat ko ang mata ko at tiningnan siya sa baba.
Nakapantalon siya ng kulay itim ang boots tsaka naka white longsleeves. Nakatali rin ang buhok niya, nakaayos din ang bangs niya.
"Oh?"
"Nasa bayan na tayo ng Lun. We will be staying here hanggang mamayang gabi. Bukas na tayo uuwi sa academy."
"Oh?" bumangon ako at bumaba.
"Mag-ayos ka na. Nauna na sila Luna sa baba. Pupunta tayo sa mansion nila mamaya."
"Talaga?"
"Magbihis ka na nga. Lutang mo masyado. Kailangan mong masanay sa pakikipag-laban, dahil hindi mo alam kung anong oras aatackke ang mga masasamang loob."
Nakatitig lang ako sakanya.
"Magbihis ka na nga, sa resto kita hihintayin!" sabay labas at binagsakan ako ng pinto.
Natauhan ako sa sinabi niya at nagbihis agad. Naka blue tshirt ako at itim na pants, isinout ko rin ang highcut kong sapatos na kulay itim. Meron akong kinuha sa backpack ko, yung clip na nabili ko. Ibibigay ko ito kay Frost mamaya.
Ipinasok ko ito sa bulsa ko at inayos ko ang kwintas at buhok. Lumabas na ako at bumaba na. Naabutan kong si Frost na umiinom ng shake. Tumayo na siya at lumapit sakin.
"Saan sila?" tanong ko.
"Plaza. Let's go."
"Sige."
"Mocha shake?" tanong niya habang pinapakita ng iniinom niyang shake.
"Masarap?" tumango siya.
"Tikman mo." sabay abot. Hinawakan ko ang straw at uminom.
"Masarap nga," sabi ko habang nakatingin sa shake. Tiningnan ko siya, namumula ang pisngi niya.
"Okay ka lang ba?"
"Hindi ka sa straw dapat uminom! Tsk! Tara na nga!" at umuna sa paglakad.
"Eh, inalok mo akong tikman," bulong ko.
Sumunod na ako sa kanya. Bumaba na kami sa barko, meron kaming nakasabayan na mga estudyante sa pagbaba ng barko. Meron din kaming nakasalubong na mga estudyante.
Habang naglakad kami papunta sa plaza, mas gumanda ang mga palamuti nila sa kanilang bayan. Bandaritas lang ang nilagay nila dito, ngayon ay merong mga flags. Mukhang madami na rin ang mga stalls dito.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...