Part 43 Bridge

7 0 0
                                    

Frost

Malapit ng dumilim, napagdecisionan namin na gumawa ng tent dito sa hardin ni Tiya Pella. Dalawang tent ang inayos namin, isa para kina Sky at isa para sa amin mga babae.

"Pasensya na talaga kayo kung maliit ang bahay ko," sabi ni Tiya Pella.

"Wag po kayong mag-alala, Tiya. Ayos lang po, tsaka sanay din kami sa tent matulog," sabi ni Pyro.

"Nakakahiya pa rin," sabi ni Tiya.

"What's that aroma? Ang bango, nakakagutom," bulong ni Luna.

"Nagluluto si Allen ngayon, mukhang masarap ang niluluto niya," sabi naman ni Tiya habang nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa labas.

"Nagugutom din ako," sabi ni Pyro while sniffing around.

Nakipagkwentuhan lang si Tiya Pella sa amin. Nagkakasundo silang dalawa ni Lexi dahil sa magic nila. Earth magic user si Tiya Pella at healing magic ang kapangyarihan ni Lexi. Nakatingin lang ako sa langit na nag-iiba na ang kulay, hanggang sa nakikita ko na ang mga bituin. Ilang saglit pa ay lumabas na si Allen.

"Tapos ka na magluto?" tanong ko.

"Yup, uh, pwede mo ba ako tulungan dalhin ang mga pagkain dito?"

"Sige," tumayo na ako at bumalik na kami sa loob.

Nasa may living room kami, I can smell the aroma of the food that he cooked. Parang lalabas ata ang laway ko. Inabot niya sa akin ang isang plato na puno ng adobo. May kinuha rin siyang tupperware na puno ng pancit.

"Babalikan ko nalang ang kanin at tubig."

Tumango na ako at lumabas na kami, inilipat din ni Pyro kanina ang ilaw kaya maliwanag dito sa may mesa. Inilapag ko na ang pagkain, binalikan namin ni Allen ang kanin at tubig.

Nang makompleto na ang lahat ay kumain na kami, katabi ko si Allen at Pyro.

"Ang sarap ng luto mo, Allen, magluto ka rin nito sa dorm," natutuwang sabi ni Pyro.

"Hahaha, sige, sige."

Ikinuwento ni Allen kay Tiya Pella ang tungkol sa pamilya niya. Mukhang nagulat pa nga si Tiya Pella ng malaman na galing siya sa Thunder clan.

"Sabi ni Mama bibisita raw kami dito. Pero siguro kung maayos na ang lahat delikado kasi ang panahon ngayon."

"Nga pala, nabalitaan kong nagkagulo raw sa Lungsod ng Cecelia noong festival, may mga estudyante galing sa Denver Academy na sugatan," sabi ni Tiya Pella. "Ano ang nangyari?" dagdag niya.

"Kakaiba ang magic nila Tiya, black ang elements nila," sagot ko.

Nakita ko ang pag-aalala niya dahil sa sagot ko.

"Itim? Mabuti at hindi kayo nasugatan. Parang may narinig akong ganyan na balita noon, Ano ang motibo nila?" sabi ni Tiya at sumubo ng pagkain.

Sasagot sana ako ng inunahan ako ni Allen.

"Mukhang ako ang habol nila, Tiya. Tiningnan ng lalaki ang kwintas ko," paliwanag ni Allen.

"Teka, nakaharap niyo sila?"

"Opo, Tiya, sina Sky ang humarap sa lalaking lumapit kay Allen. Huli kasi kaming pumunta sa townhall."

"Teka, about that, saan pala kayo galing ni Allen nung time na 'yon, Frosty?" tanong ni Luna, ang tagal na niyang hindi ako tinatawag ng ganun.

"Hinabol namin si Morgana ng gabing iyon."

"What?! Hindi niyo man lang sinabi."

"Hindi kasi namin siya naabutan. Ibang tao ang nakasalubong namin," paliwanag ni Allen.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon