Part 26 Cris

6 0 0
                                    

Allen

"Bilisan mo, Pyro! Ang bagal mo namang kumilos!" sigaw ni Luna.

"Oo na! Bababa na!"

Lunes ngayon, its been a week since napaso ako. Magaling na ang mga kamay ko pero, pinagsabihan ako ni Lexi na hindi muna ako gagamit ng magic. Kukuha na kami ng mission ngayon, marami na silang nakuha mission this week. Marami ring pera ang natanggap namin as rewards.

Pagbalik namin ni Frost sa library, hindi namin nahanap ang nakasunod na libro. Walang ibang libro na si A.S. ang author, hindi rin kami nagtanong sa librarian, mukhang pinagdudahan niya kami ni Frost. Hindi na kami bumalik doon pagkatapos.

Si Frost ang may hawak ng pera, bibili sana kami nila Pyro ng ramen kaso kinuha ni Frost ang pera. Gagamitin daw namin iyon for future expenses during missions. Hays.

Pagkababa ni Pyro pumunta na kami kaagad sa assembly hall. Tumakbo na kami papunta doon dahil kami ata ang pinakahuling groupo na kukuha ng missions. Pagkapasok namin sa assembly hall, walang request papers doon sa bulletin board for C rank missions.

"Oh, groupong A14, good morning," bati ni Sir Yakada, habang umiinom ng kape.

"Good morning din, Sir!" bati namin.

"B rank ang kukunin natin. Wala ng C rank missions," sabi ni Frost.

Pumunta na kami kaagad sa harapan ng board for B rank missions. Pumipili na kami ng missions ng nagsalit si Sir Yakada.

"Maayos ka na, Allen? Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa'yo."

"Ah, opo, magaling na ang mga kamay ko," sagot ko habang nakatingin kay Sir.

"Ganun ba," may kinuha siyang isang papel doon sa mesa. "Miss Vallen, itong mission ang i-aassign sainyo."

Nagkatinginan kaming anim. Lumapit kami kaagad sa harapan ni Sir Yakada. Kinuha ni Frost ang papel at binasa. Sumilip kami sa papel, may nakatatak na B rank mission, pero kakaiba ang ang kulay nito, hindi katulad nung nasa request board na kulay red. Kulay yellow ang letra nito.

"Sir, diba ito ang anak nila Mr. and Mrs. Yuwanne?" tanong ni Frost, habang nakaturo sa litrato na nasa request.

"Isa 'yang special request mission. Hindi ko kasi kayang ibigay kung kaninong groupo lamang."

"Sige, Sir. Kami na ang bahala sakanila," sabi ni Frost.

"Mahirap bantayan ang apat na 'yan. Noted spoiled brats."

"Ano? Sir, ayaw naming magbabysit!" reklamo ni Pyro.

"Tumahimik ka nga, Pyro, mahiya ka kay Sir. Tayo ang pinagkatiwalaan sa mission na 'yan," sabi ni Luna.

"Malaki ang reward, aasahan ko kayo."

"Sige, Sir."

"Pumunta na kayo kaagad sa mansion ng mga Yuwanne."

Nagpaalam na kami at lumabas na ng assembly hall. Binabasa nila Pyro at Luna ang tungkol sa mission. Pero, walang masyadong details. Kailangan naming pumunta sa mansion nila.

"Gagamit tayo ng mga motor. Medyo malayo ang mansion nila," sabi ni Frost.

"Saan pala sila nakatira?" tanong ni Luna.

"I think malapit sa dagat sila nakatira," sagot ni Lexi.

Lumabas na kami ng school at pumunta na sa mga mansion ng Yuwanne. Well, dumadaan kami sa ilang building hanggang sa komonti ang mga bahay na nadadaanan namin. Tumigil kami sa harapan ng isang gate, ito na siguro 'yon. Pero, walang bahay o mansion.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon