Frost
"Anong sinabi mo, Valeria Flamace?!" tanong ni Pyro.
"I like Allen, may girlfriend na ba siya?" napatingin si Pyro sa akin at ibinalik ang tingin sa kapatid niya.
Uminom lang ako ng juice. Sina Lexi at Sky tahimik lang sa gilid, halatang nagulat sa sinabi ng kapatid ni Pyro.
"Hoy, Valeria! Alam mo ba ang mga pinagsasabi mo?!"
"Psh," inirapan niya lang si Pyro at tiningnan si Allen at ngumiti.
"Laro tayo sa labas!" yaya niya kay Allen.
"Uh, Valeria—" hindi natuloy ang sinasabi ni Lexi dahil kinaladkad na ni Valeria si Allen palabas.
"Tsk," inilapag ni Pyro ang baso at sumunod palabas sa kapatid niya.
Nakikita kong pinapagalitan ni Pyro si Valeria pero parang wala lang sakanya na pinapagalitan siya. Nakita kong pumasok si Allen at tumabi sa akin.
"Oh? Tapos na kayong maglaro?" tanong ko.
"Ayaw ko maglaro. Tsaka, ayaw ko sakanya, maingay! Tapos, pinapagalitan siya ng lalaking 'yon," sabi ni Allen sabay pout.
"Sino gusto mo, Allen?" tanong ni Sky.
Tiningnan ako ni Allen, at itinuro ako. Napatingin ako kay Luna, umiwas siya ng tingin. Si Lexi naman natatawa, pati si Sky.
"Siya, kasi sabi niya bibilhan niya ako ng ice-cream," paliwanag ni Allen.
"Ah, ganun pala, okay."
"Sky!" saway ko.
"What? Wala naman akong ginawa," sabay ayos ng glasses niya habang natatawa.
"Bili tayo ng ice-cream mo," sabi ko kay Allen.
"Talaga?! Sige, tara!"
Tumayo na ako at sumunod si Allen sa akin palabas, nagbabye pa siya kina Sky. Nagtatalo pa rin sina Pyro at Valeria, hmmm.
"Pyro," tawag ko at napalingon silang dalawa sa akin.
"Bibili muna kami ng ice-cream," paalam ko.
"Sige, pasensya na talaga sa ugali ni Valeria."
"Bakit ba? Siya ba ang girlfriend ni Allen?" tanong ni Valeria at tiningnan ako.
Napalunok ako dahil sa tanong niya. Tiningnan ko si Pyro, tinanguan niya ako. Hays! Tiningnan ko si Allen medyo malayo siya sa amin at nakatingin sa gate. Humanda ka talaga sa akin kapag bumalik ka na sa normal!
"Oo, ako ang girlfriend ni Allen."
Talagang sinabi ko ba 'yon?
"Sorry, po," sabi ni Valeria at tumakbo papasok sa mansion.
"Hay, that should do it, sorry talaga, Frost," sabi ni Pyro at napakamot sa likod ng ulo.
"Ano pa ba ang magagawa ko? Hays, hindi naman maaalala ni Allen ang mga nangyari, kaya ayos lang hindi nakakahiya."
"Ingat kayo," sabi ni Pyro.
Naglakad na kami palabas. May mga kainan kaming nadaanan pero wala silang ice-cream. Kanina pa tahimik si Allen.
"Allen, ayos ka lang ba?"
"Hmmm, ayos lang."
"Bakit ang tahimik mo?"
"Wala, gutom na ako, gusto ko ng ice-cream!"
"Naghahanap pa tayo, konting hintay nalang. Okay?"
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...