Allen
Narinig kong may kumatok sa pinto. Tumayo ako at binuksan. Nakita kong nakatayo si Lexi. May dala siyang dalawang libro.
"Magquiz tayo bukas. Ipapahiram ko sayo ang books ko. Magdidinner na."
"Sige. Susunod lang ako," tumango siya at umuna ng bumaba.
Inilagay ko ang mga libro sa study table ko at bumaba na rin. Naabutan kong nagbabanggayan na naman sina Luna at Pyro. Nagkakape naman si Sky. Si Frost tinutulungan si Lexi sa pag-ayos ng mesa.
"Sinabi ni Frost sa amin ang nangyari. Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong ni Sky.
"Uh, oo. Maayos na," sabay upo sa upuan sa harap ng bar counter.
"Allen!" napatingin naman ako sakanya. Lumapit siya sakin.
"Maayos na ba ang kalagayan mo? Anong masakit sa'yo—"
"Ang bingi mo, Luna. Sinabi ni Allen na maayos na siya. Bingi!" banat ni Pyro at umupo sa upuan niya sa dinning. Hindi siya pinansin ni Luna.
"I feel so honored. Meron akong kasama na isang Thunder!" sabi ni Luna habang gumigigil.
Isang Thunder.
"Uh, hindi pa nga sigurado, e."
"Ikinuwento naman ni Frost samin ang nangyari."
"Alam mo Luna, dapat maging honored ka rin kasi meron tayong nakakasamang Vallen. Duh," sabi ni Pyro habang nilalaro ang kutsara.
"Bakit?" anong meron kay Frost? Tiningnan ko siya, nakatingin din siya sakin. Napalunok ako.
"Wala naman. Nothing important."
"Anyways, pwede ba akong sumama buka—"
"Luna, si Frost ang sasama kay Allen. Ang kulit mo!"
"Ano bang problema mo, Pyro?! Tuwing kakausapin ko si Allen o ibang tao—no, ibang lalaki ay parang puputok yang bunganga mo! Heh!"
"Gusto ko sa akin lang anh attention mo!"
Natigilan naman si Luna sa sinabi ni Pyro. Napaubo naman si Sky habang umiinom ng kape.
"Okay ka lang?" tanong ni Lexi.
"Yep. I'm okay," habang inaayos ang salamin.
"Anong sinabi mo?!"
"Sabi ko, ang bingi mo!"
Nakita ko kung paano nag-iba ang kulay ng buhok ni Luna at may namumuong bolang liwanag sa kanang kamay niya. Ibabato na sana niya ito kay Pyro agad ko namang hinawakan ang wrist niya para pigilan siya. Napalingon siya sakin.
"B-bakit?"
"T-tigilan niyo na 'yan," sabay bitaw sakanya.
"Kakain na. Kayong dalawa kumalma kayo," saway ni Sky sakanilang dalawa.
Tahimik kaming kumain ng hapunan. Tutulungan ko sana sina Lexi sa pagliligpit pero sila na daw bahala ni Frost doon. Nagpaalam na akong magpahinga kaya umakyat na ako sa itaas at pumasok na sa kwarto ko para magpahinga.
Kinuha ko ang journal ko at nagsulat tungkol sa mga nangyari sa party at sa pagtuklas ng magic ko. Pagkatapos kong magsulat ay ipinasok ko na sa drawer. Nakita ko naman ang kwintas. Katulad siya sa suot nina Ate Elliah at Kuya Jandro.
Nakiki-kuya at ate talaga ako. Pero, paano naman kung totoo? May kwintas ako katulad sa kanila at thunder magic ang kapangyarihan ko.
Tss. Sapat na ba 'yon na ebedensiya? May narinig akong kumatok sa pinto ko kaya binuksan ko ito. Si Frost pala.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...