Frost
Iniiwasan ko ang mga bola ng apoy mula kay Elle. Yung babaeng nakapula na sa tren noong gabi na hinabol namin si Snow.
"Hindi mo ako matatalo, Vallen."
"Ice is much stronger than fire."
Pinaulanan ko siya ng ice shards pero may pader ng apoy na lumitaw sa harapan niya. Nawala ito at tinawanan niya ako.
Naghiwalay kami ng landas ni Allen at Meivis. I'm battling with Elle, ang kanang kamay ni Luke Merean. Her magic is fire, black flames because she drank the boiled water of the Blorosie.
Nakita kong may magic na lumipad sa taas ng kalangitan. Magic 'yon ng dragon ng Lola ni Allen. Don't tell me nahanap nila si Luke?!
"Eyes here, Vallen," natumba ako dahil sa bigla niyang pagsuntok.
I kicked her leg at napaluhod siya. I was about to kick her using my right leg pero nahawakan niya 'yon ng mahigpit. Binalot ko ng yelo ang paa na hawak niya.
"Bitch!" inis niyang sigaw sa akin dahil nabalot ng yelo ang kaliwang kamay niya hanggang sa balikat niya.
Nagliyab ang kanang kamay niya ng itim na apoy at hinawakan ang braso na may yelo. I kicked her stomach and she rolled away. Tumayo ako at pinaulanan siya ng ice chards pero naiwasan niya 'yon.
Tumayo siya at pinaulanan din ako ng mga bola ng apoy. Iniwasan ko 'yon at inatake siya ulit. Tumawa lang siya nang makita niyang natutunaw lang yung ice shards dahil sa apoy.
"Vallen! Don't be so stupid, ice never wins from fire," sabay tawa.
Iniiwasan ko lang ang magic niya. Sabi ni Papa na kapag gagawa ng ice shards ay siguraduhin na matulis ito kahit gaano kalaki o kaliit ito. Sa aming magkakapatid, I always make my ice shards small and sharp. Sabi ni Papa iyon ang perpekto na ice shards.
Pero sa situation ngayon, masyadong mas malakas ang kalaban ko at apoy ang magic niya. May itinuro naman na technique si Kuya Felix kung fire magic ang kapangyarihan ng kalaban ko pero hindi ako sigurado kung gagana ba.
Nasusunog na ang paligid namin dahil sa magic niya. Nakakapagod pero kailangan ko siyang talunin bago ako makapunta kung nasaan si Allen.
"Just give it up," sabi niya sabay sipa sa tiyan ko.
Napaatras ako pero iniharap ko ang dalawang kamay sakanya nagpakawala ako ng malamig na hangin doon na ikinatawa lang niya.
"Am I a joke to you, Vallen?"
"Medyo."
Huminga ako ng malalim. Wala namang mawawala sa akin kung gagawin ko ang itinuro ni Kuya Felix pero pagod na ako. Mauubos na ang magic ko kung gagawin iyon pero wala akong ibang choice. Finocus ko ang magic ko sa kamay at paa ko. Iminulat ko ang mata ko.
Hinawakan ko ang lupa at mabilis na pinakawalan ang magic ko. Dahilan para mabalot ng yelo ang buong kapaligiran, putting down her flames.
"Akala mo matatalo mo ako dahil dito? Nagkakamali ka Vallen!"
Binabato ako ni Elle ng bola ng apoy pero gumawa ako ng makapal na harang. Binalot ko ng yelo ang buong paligid.
"Ate, paano mo ginawa 'yon?"
"Ano? Pag-aaralan mo naman ang technique na ginawa ko?"
"Turuan mo ako, gusto kong matutunan ang ganyan."
I can still remember how Snow freeze the fire in front of her. Dapat kong gawin iyon ngayon. Napaatras ako dahil sumugod si Elle habang nagliliyab ang magkabilang kamay. She's throwing me some punches and kicks at iniiwasan ko 'yon.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...