Part 39 Call

12 1 0
                                    

Allen

Nakaupo kami ngayon sa sala nila Pyro. Kakagaling lang namin kumain ng almusal. Nagmessage kanina si Mayer sa akin na magkikita kami nila mamaya sa plaza, sasamahan ako ni Frost.

Natakot ako kanina baka galit si Frost sa akin dahil sa nangyari kagabi, pero, mukhang maayos naman ang lahat. Nawawala na rin ang pangangati ko.

"Allen, aalis kayo ni Frost ngayon diba?" napalingon ako sa nagtanong, si Pyro pala.

"Hmmm, aalis kami."

"Kailan tayo babalik sa academy?" tanong ni Luna.

"Pwede mamaya," sagot ko.

"Ihanda ko nalang ang mga gamit namin," sabay tayo ni Lexi at punta na taas.

Bumaba na rin si Frost, tumayo na ako at pinagpag ang damit ko, kanina pa kasi ako tapos mag-ayos.

"Tara na," yaya niya.

"Alis muna kami," paalam ko kina Sky.

Pagkalabas namin sa mansion, ang tahimik niya, galit kaya siya? Gagamitin namin ang bike ngayon, pinahiram naman ni Valeria sa amin ngayon ng malaman niyang magkikita kami nila Mayer.

"Frost," tawag ko habang tinanggal ang lock sa bike.

"Bakit?"

"Sorry."

"Para saan?" napatingin ako sakanya, nakatingin siya sa akin, umiwas ako ng tingin.

"Uhhh, kagabi."

"Hmmm."

"Sorry talaga, sana hindi nalang kita pinilit kumain ng ice-cream o di kaya ay kumuha nalang ako ng ibang kutsara—"

"Hindi ako galit. Kalimutan mo na 'yon."

"Okay."

"Tara na, baka nandoon na sina Mayer."

Tumango ako, kagaya kagabi, siya ang una habang nasa likuran ako. Ilang saglit pa ay dumating na kami sa plaza. Sumilong kami sa malaking puno nila at pinark ang bike. Nagmessage si Mayer na papunta na sila. Umupo kami sa ilalim ng malaking puno na nandito sa plaza.

"Nga pala, Frost, sabi nila baka mamaya daw tayo babalik sa academy," sabi ko, tumango lang siya.

"Ang sunod na libro?"

"Kukuha tayo ng mission na gaganapin sa lugar nila Lexi."

"Masasagot kaya lahat ng tanong natin sa pamamagitan ng mga libro?"

"Hindi siguro lahat," sagot ni Frost habang nakatingin sa mga batang naglalaro.

"Diba, nagsearch ka tungkol sa libro, anim pa na libro nahanap natin."

Hindi umimik si Frost. Malalim din ang iniisip niya.

"Kung ang pinakamalaki na library ay ang sa lugar nila Lexi, mahanap kaya natin kaagad?" napalingon siya sa akin.

"Bakit? Anong iniisip mo?"

"Pakiramdam kong nakatago ang mga huling dalawang libro. Malaki ang library, for sure itatago talaga ng maayos ang mga ito."

"Mahahanap natin ang libro kaya wag kang mag-aalala."

"Allen!" napalingon kami sa tumawag sa akin.

Napatayo ako at tumakbo papunta kina Mayer. Kumaway si Jon sa akin. Niyakap ko silang dalawa.

"Kamusta na kayo?!"

"Sumilong muna tayo, ang init," sabi ni Jon.

Pumunta kami sa inuupuan namin ni Frost kanina. Tumayo si Frost ng palapit na kami nila Mayer.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon