Allen
Nandito kaming lahat sa labas ng bahay ni Aloe, nalaman kong nagbarbeque sila, binigyan ako ni Lexi ng pagkain. Hindi ako makapaniwala na tatlong araw akong tulog. Sinabi rin nila na ginamit ko ang magic ko habang tulog ako, mabuti nalang at may barrier na ginawa si Aloe.
"Bumalik na ba lahat ng alaala mo, Allen? As in lahat?" tanong ni Pyro.
"Hmm," sabay tango.
"May barbeque pa, gusto mo pa kumain, Allen?" tanong ni Lexi.
"Wag na, busog na ako."
Napatingin ako kay Frost, binabasa niya ang libro, nasa dulo siya ng kinauupuan ko. Mamaya ko nalang siya kakausapin tungkol doon, ayaw ko siyang disturbuhin.
"Frost, malapit ka ng matapos sa pagbasa?" tanong ni Sky.
"Malapit na," sagot ni Frost.
"Aloe," tawag ko, tiningnan niya ako.
"Bakit, Allen?"
"Bakit sinabi mong magagalit ako sa'yo?"
Mukhang naguguluhan sina Lexi dahil sa sinabi ko. Umayos ng upo si Aloe at sinulyapan si Frost bago nagsalita.
"Malalaman mo mamaya. Basahin mo nalang ang libro. Bukas na tayo mag-uusap. Magpapahinga na ako sa loob," tumayo na siya at pinagpag ang damit. "Goodnight."
"Goodnight," sabay-sabay namin na sabi at tuluyan na siyang pumasok sa bahay.
Tahimik lang ang lahat, tanging tunog lang ng insekto at apoy ang naririnig ko. Ang liwanag ng buwan ngayong gabi.
"Babalik na ba tayo bukas sa academy?" tanong ni Luna.
"Siguro," sagot naman ni Pyro habang nakatingin sa apoy.
"Nakatanggap ako ng email galing kay Sir Yakada kanina," napalingon kami kay Lexi.
"Anong sabi?" tanong ni Pyro.
"Kailangan daw natin bumalik na sa academy. Hindi ko alam kung bakit pero 'yon lang ang laman ng email."
"Maybe patapos na ang missions natin?" tanong ni Luna. "Kung hindi na tayo kukuha ng missions, magpapasalamat talaga ako."
"Maarte ka kasi-aray!" binatukan ni Luna si Pyro.
Nagtawanan nalang kami dahil sa nangyari. Tiningnan ko si Frost, nagbabasa pa rin siya. Malapit ng matapos, uminom ako ng tubig at umupo sa tabi niya. Sinulyapan niya ako at bumalik sa pagbasa. Sinabihan ako ni Sky na tuwing full moon daw makikita ang laman ng libro dahil sa spell na inilagay ni Aloe.
Sinabi ni Aloe na ayaw niyang may iba pang makakabasa sa libro dahil sa nangyari sa Merean clan at sa isa pang pamilya, hindi kaya, ang Thunder clan ang ibig niyang sabihin? Kaya ba humihingi siya ng tawad noon? Alam niya ba simula pa lang?
Napatingin ako kay Frost dahil sa tunog ng pagtiklop ng libro. Nakayuko lang siya at malalim ang iniisip.
"Frost," nilingon niya ako.
"May problema ba?" umiiling lang siya at inayos ang buhok.
"Sky," inabot niya ang libro. "Tapos na ako, pakiabot kay Sky," sabi niya kay Pyro. Kinuha naman ni Pyro ang libro at binasa na nila doon.
"May mga nangyari ba habang tulog ako?"
"Wala naman."
"Ano pala ang laman ng libro?"
"History lang ng Blorosie. Nakalagay doon na nakita ni Aloe ang bulaklak malapit sa border ng eastern region."
"Tapos?"
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...