Part 13 Encounter

22 5 0
                                    

Frost

"Ms. Vallen, maasahan ba kita sa mission na ito?" tanong ni Sir Thunder sa akin matapos ibinigay ang isang scholarship application form.

Allen Prigobado
16 years old
Town of Heresh
Magic: NONE

Kunot noo akong napatingin kay Sir Thunder. Anong ibig sabihin nito? Walang magic ang lalaking ito.

"Anong gagawin ko sakanya, Sir? Wala siyang magic. Possible ba iyon?"

"Siya ang napili kong bigyan ng scholarship. Interesting ang status niya. Wala siyang magic, 16 years old na siya. 10 years old ang simula kaapg lalabas na ang magic mo. His case is interesting. Gusto kong ikaw ang magdala sakanya dito."

"Bakit, ako, Sir?"

"Alam kong malakas kang bata, Ms. Vallen. Sa hunting activities natin ang groupo mo ang palaging panalo. I want you to keep an eye on him before you bring him here."

"Understood, Sir."

"I know bago pa lang nagsimula ang klase and binigyan na kita agad ng mission."

"Don't worry, Sir. Its a normal thing."

May ilang bilin pa si Sir Thunder. Nag-impake na rin ako. Nagpaalam na ako kina Lexi na mawawala ako ilang araw. Sumakay na ako sa train, dalawang oras ang byahe papunta sa bayan ng Heresh. Nakatingin ako sa labas.

Posible ba 'yon? Isang taong walang magic? Tss. Pagdating ko sa bayan ay nagcheck in ako sa isang inn dito. Maliit lang ang bayan na ito pero sabi nila mayaman ito sa mga jewelry. Naglakad-lakad ako sa bayan, hanggang sa nakita ko siya. Siya yung lalaki sa application form! Sinundan ko sila at ang kasama niya. Papasok sila sa isang gate.

Sadigo Highschool

Mukhang mag-eenroll ata sila. Ilang araw ko siyang sinundan. Palagi siyang hindi mapakali, baka alam niyang nakamasid ako. Hanggang sa nabisto niya ako. Sumama siya sakin hanggang sa academy, 'di ko makalimutan ang bilin ng Tiya niya. Familiar talaga ang mukha ng Tiya niya pero hindi ko maaalala kung saan ko iyon nakita.

Napatingin ako sa kisame. Hindi pa rin ako makatulog. Andito ako sa guest room. Malaki ang room nila parang isang buong bahay na ata ito. Sa mga nangyaring weirdo noong unang pasok ni Allen sa room, yung humawak si Luna sakanya, yung combat battle nila ni Peter. Alam kong may mali doon, meron siyang magic at hindi niya iyon namamalayan. Dumagdag pa talaga ang kwintas. Naaalala ko kung paano ko sinabi kina Sky ang hinala ko.

"May kwintas si Allen na parang kwintas ng mga Thunder," sabi ko kina Sky at Lexi.

"Baka kamukha lang iyon sa mga kwintas ng mga Thunder?" tanong naman ni Lexi habang pinupunasan ang mga pinggan.

"Ano sa tingin mo, Sky? A seal was on him for almost 10 years at may kwintas siya ng mga Thunder, the seal was from the Merean clan. Kaaway 'yon ng mga Thunder," alam kong naghihinala na rin si Sky.

"Siya kaya ang nawawalang apo ni Sir Thunder?" tanong ni Lexi.

"Almost 10 years na rin ang lumipas mula nangyari ang trahedya sa mga Thunder."

"E, diba ang bayan ng Heresh is known for jewelry making and flowers? Baka magkamukha lang ang kwintas," sabi ni Sky.

Bakit ba ako kinakabahan? Yung kwintas kasi, ang edad ni Allen, ang trahedya ng mga Thunder. Baka merong mangyari sa party.

"Kinakabahan ako.."

"Bakit naman?" tanong ni Lexi.

"I just feel that something is not right. Hindi nalang kami aattend ng party. Parang may masamang mangyayari."

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon