Part 55 Liados

9 1 0
                                    

Allen

Kaharap namin si Lance, yung lalaking black fire magic user. Habang sina Sky at Lexi ang bahala kay Marko tapos sina Luna at Pyro ang nakikipaglaban kay Shantal.

Habang pinipigilan namin sila ay sinusulyapan ko si Shann na nakikipag-away sa tatlong dragon na lumilipad sa taas namin. Mukhang dehado si Shann pero alam kung kaya niya 'yon.

"Allen!" sigaw ni Frost.

Agad akong umilag sa bola ng apoy na lumilipad patungo sa akin. Gumanti ako kay Lance pero naiwasan din niya 'yon.

"Ang boring niyo naman kalaro," sabi niya at binato si Frost ng bola ng apoy but she manage to block it.

We've been holding them for minutes now, hindi pa dumadating sina Sir Yakada. Narinig ko ang tili ni Luna, natamaan si Pyro pero agad itong bumawi. Sinulyapan ko sila Sky, he is having a sword fight with Marko.

"Frost, support," sabi ko kay Frost na nakatayo sa tabi ko. Tumango siya at iniharap ang magkabilang kamay kay Lance, nagpakawala siya ng ice shards.

Sumugod ako patungo kay Lance, habang papalapit ako sakanya ay finocus ko sa kamay ko ang magic ko. Lumalabas doon ang mga spark na kulay blue, magic 'to no Shann.

I was able to punch Lance dahilan para mapaatras siya. Susuntukin ko sana siya ulit ng naunahan niya ako. Napaluhod ako ng sinontok niya ako, agad akong tumayo at sinipa ang sikumura niya pero nawahakan niya paa ko. Sa isang iglap ay tumama ang likod ko sa kahoy na nandoon.

"Aray.. Shit.."

Iminulat ko ang mata ko, dahil sa mga mata ni Shann, nakikita ako ng maayos sa dilim. Pero, mas malinaw ang paningin ko kung kay Kou magic ang ginagamit ko. Hays. Nasaan kaya 'yon ngayon?

I saw Frost having a hand to hand combat with Lance. Sobrang bilis ng mga kamay nila. Sumugod ako kahit masakit ang likod ko, I need to blow a strike at Lance!

Bigla niya akong nilingon, itinulak niya si Frost at sinipa palayo at ako naman ang hinarap niya. Iniiwasan ko ang mga suntok niya, yumuko ako at sinipa ang sikmura niya.

Napaatras siya at nagpakawala ng ilang bola ng apoy. Naiwasan ko ang iba pero natamaan ang braso ko. Napahiyaw ako dahil sa sakit, sobrang hapdi.

"Shit," lumapit si Frost at nilagyan ng yelo yung sugat ko.

Bago pa ako makapagsalita ay may humila sa buhok ni Frost at sinipa ang sikmura niya. Tumayo ako at hinila si Lance palayo kay Frost, sinontok ko siya at sapul sa mukha niya.

"Frost, ayos ka lang ba?!"

Umubo si Frost, I saw blood came out from her mouth.

"I'm fine. Kailangan natin silang pigilan. Innocent people are at the academy, diba?"

Tumango ako at tiningnan namin si Lance. Tumawa lang siya. Sumugod siya sa amin. Habang nag-aaway kami napalingon kami sa may likuran namin dahil may narinig kaming bumagsak. Si Shann!

"Shann!"

Ayos lang ako, Allen. Wag mo akong isipin.

Nanlaki mata ko dahil may nabubuong magic sa harapan ng tatlong dragon na lumilipad. Sa isang iglap ay binitawan iyon ng mga dragon at papunta iyon kay Shann!

"Shann!" sinubukan bumangon ni Shann pero maabutan na siya nito.

Nagtama ang paningin namin. Tumango lang siya at pumikit.

"Hindi! Shann! Lumayo ka diyan!" naiiyak kong sigaw.

Pati ba naman ikaw Shann, iiwan mo kami!

Bago pa tumama kay Shann ang magic ng tatlong dragon ay may dalawang dragon na humarang nito at binato ang attacke na patungo kay Shann. Gumawa ito ng malakas na pagsabog, naramdaman kong niyakap ako ni Frost at nadapa kami.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon