Part 28 Attacked

6 2 0
                                    

Frost

Andito na kami sa hotel na tinawagan ni Luna. Dalawang beds at apat na foam. Iisang room lang kami. Hinatid na kami ng staff sa room namin. Hindi naman masikip, its like a family room anyway. May maliit na kusina, isang bathroom. May closets rin at isang couch.

Inihiga ni Sky si Crissandra sa kama. Ayaw kasing bumangon, ginamitan ni Sky ng magic. Tinulungan naman siya nina Toffer at Ian, air magic din kasi ang kapangyarihan nila.

"Pwede ba akong matulog?" tanong ni Lia. Tumango ako bilang sagot.

Humiga na siya sa tabi ni Crissandra. Sina Toffer naman at Ian ang gumamit sa isang kama. Humiga na si Lexi at Luna sa foam, ipinagtabi namin ang dalawang foam para sa amin ganun din sina Allen.

"Idikit nalang natin sa kanila," sabi ni Pyro.

"Wala namang problema diba?" tanong naman ni Allen.

"Gagawa ako ng harang."

"Sige."

Idinikit nila ang foam nila sa aming foam. Humiga na rin si Allen at Pyro, si Sky naman ay may ginagawa sa tablet niya habang nakahiga sa couch.

"Nilock niya ba ang pinto?" tanong ko kina Pyro.

"Yup."

Tumayo ako at nilagyan iyon ng ice. Para hindi kaagad mabubukas. I need to stay calm. Humiga na ako sa tabi ni Lexi at pumikit na, inaantok na ako.

"Sky, paki-off ng ilaw," rinig kong sabi ni Lexi.

Narinig ko nalang ang pagtunog ng switch, tanging lampshade lang sa bedside table ang nagsisilbing ilaw. Gumawa ako ng harang na gawa sa yelo, para hindi lumampas si Allen.

———

Kakatapos lang namin kumain ng almusal sa isang restaurant malapit sa hotel. Andito kami ngayon sa plaza, nay bulletin board dito tungkol sa mga short and long routes na papunta sa ibang lugar.

"Can't we just ride a train?" tanong ni Crissandra.

"Sundin nalang natin ang mga sasabihin nila. May tiwala sina Mom at Dad sa kanila," sabi ni Toffer.

"Sky, saan ang safest route dito?" tanong ko kay Sky.

"I guest itong route 70. Its a long route pero ito naman ang sinabi ni Mrs. Yuwanne."

"Alright. Tara na."

"Wait, hindi tayo sasakay ng train?" tanong ni Crissandra.

"Hindi, merong binigay na instructions ang parents niyo. Wala kang magagawa kung hindi ang sumunod," sagot ko sakanya.

I can see her being pissed. Naglakad na kami papunta sa route 70, nagkwekwentuhan lang naman sila sa likuran ko. Katabi ko si Allen, halatang malalim ang iniisip.

Habang naglalakad kami unting-unti dumami ang mga puno. Dala ko naman ang tablet ko, may picture doon sa daan ng route 70.

"Ang creepy na dito!" reklamo ni Crissandra.

"Stop complaining, will you?!" inis na sabat ni Lia.

Tiningnan ko si Lexi para awatin niya ang dalawa. Matagalan kami kung palagi silang magbabanggayan.

"Girls, wag tayo mag-away, okay?"

"Duh, pwede naman tayo sumakay ng train, tsk," inirapan ni Crissandra si Lexi.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na ako sa paglakad, sumunod na rin sila, habang naglalakad kami hindi naman mainit dahil sa mga puno, unting-unti lumiit ang daan.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon