Alexine
Bumalik na si Morgana and I sensed something strange going on. As a healer, I can feel auras of people. Parang may mali talaga. It's been days simula ng inobserbahan ko sila Peter. Ang hina ng aura nila, parang tinatago.
Kapag tinatanong ko sila tungkol kay Morgana ay parang maiirita sila which is weird. Bakit naman sila maiirita ng ganun lang? I just mentioned Morgana's name at iba na ang timpla ng mood nila. Nagagalit, naiirita, umiiwas sila.
I told Frost about what I think about the situation, sinabi niyang hindi ako dapat mag-alala. I should just focus on my school works pero hindi ko talaga kaya.
Nakakausap ko naman si Morgana pero alam kong umiiwas siya. Nagpaiwan ako sa classroom at sinabi ko kina Frost na may isusubmit ako kahit wala naman. Kailangan ko siyang kausapin.
"Sure ka? Akala ko tapos mo ng gawin 'yon kagabi, Lexi," sabi ni Sky.
"Hindi pa, e. Ikaw? Diba, pupunta ka sa library?"
"Yeah, pupunta nga. Around 5pm or 6pm baka uuwi na ako. Ikaw?"
"Maybe around 5pm."
"Sige, see you sa dorm," sabi ni Sky at dinala na ang gamit niya, lumabas na siya ng silid.
Wala na ang iba kong kaklase pero merong iba na naiwan pa ang bags nila. Nandito pa ang bag ni Morgana. Ilang saglit ay dumating na siya, nakita kong natigilan siya ng makita ako. Pero, lumapit siya sa upuan at kinuha bag niya.
"Pwede ba kitang makausap, Morgana?"
"Ano ba ang kailangan mo, Alexine?" malamig niya na tanong habang pinanliitan ako ng mata.
"Gusto kong makilala ka."
"Are you stupid? You're wasting my time. May gagawin pa ako—"
"Alam ko ang secreto mo."
Nagkatinginan kami, walang siyang emosyon na pinapakita.
"Oh? Talaga?" tumango lang ako kahit kinakabahan na ako. "Sige. Tara sa likod ng building. Doon tayo mag-uusap."
"Kung dito nalang? Hindi pwede?"
"I'm not going to talk to you if dito tayo mag-uusap. It's your lost anyway."
I found myself following her to the back of our building. Padilim na at walang pumupunta dito. Huminto siya at may ilang agwat na malayo sa akin.
"Anong secreto ang alam mo, Alexine?" tanong niya at nilingon ako. "If I were you, I'll just keep it to myself to avoid trouble."
"Alam kong hindi ikaw si Morgana," sabi ko kahit kinakabahan na ako.
I'm not that strong. Natatakot ako ngayon baka kung anong mangyari. I'm always at ease kapag alam kong nandiyan sila Sky but I'm alone right now. Napaayos ako ng tayo ng maramdaman kong tuluyan nag-iba ang aura ni Morgana.
"Should I praise you for that? Healer ka, diba? Ang tagal mo naman nalaman. Your skills are rusty."
"I'm just observing you since you arrived at the academy. Sino ka ba talaga?"
"Sekreto na 'yon, baka iiyak ka kapag malaman mo ang lahat," sabay ngisi.
"Anong ginawa mo kay Morgana?" tanong ko.
"Ano ba ang pakialam mo? Kaibigan mo ba siya?" tanong niya sabay hakbang palapit. "Kilala mo ba talaga si Morgana?"
"Hindi ko nga kilala si Morgana."
"Hindi mo naman pala kilala. Kung ako sa'yo tumigil ka na at umuwi ka na sa dorm niyo."
Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang umalis. Nilingon niya ako at binigyan ng matalim na titig.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...