Allen
Andito kaming lahat sa harapan ng library. Nakalabas na si Luna, inaalalayan siya ni Pyro ngayon. Tiningnan ko si Frost, tahimik at seryoso siya ngayon.
"Ayos ka lang ba, Frost?" tanong ko, dahilan para lumingon siya sa akin.
"Hmmm, ayos lang."
"Parang hindi ka nakatulog ng maayos."
"Kinakabahan ako baka kasi hindi pumayag si Strong."
Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya, may point siya. Pumasok na kami sa library, naabutan namin si Strong na may sinusulat sa desk niya. Tumayo siya ng makita niya kami.
"Good morning, Strong," bati ni Lexi.
"Sumunod kayo sa akin," at naglakad papunta sa taas.
Sumunod kami, konti lang ang tao na nandito ngayon. Naglakad si Strong papunta sa shelf kung saan ko kinuha ng libro at inabot niya sa akin ito, agad ko itong kinuha.
"Salamat," sabay namin na sabi ni Frost at yumuko.
Naglakad na palayo si Strong. Umupo kami sa isang mesa na nandito sa sulok. Inilabas ni Frost ang tablet niya at kinuhanan ng litrato ang cover nito.
"Weird ng title," komento ni Luna.
Binasa na ni Frost ang libro. Kumuha naman ng ilang libro si Pyro at binasa iyon. Seryosong nakatingin si Sky sa libro habang nakatayo sa likod ni Frost.
Nakatitig lang ako kay Frost, nararamdaman kong malapit na kami sa dulo pero parang ang layo pa rin.
"Wala akong naiintindihan," sabi ni Frost pagkatapos basahin ang libro.
"Ano?!" reklmo ni Luna.
Kinuha ni Sky ang libro at binasa, inayos niya ang salamin habang nagbabasa.
"Bakit? Anong sinabi ng libro?" tanong ko.
"Ang kwento lang ay tungkol sa mga bulaklak na inaalagaan ni Oriana sa garden niya, puno ng drawings ang libro," sagot ni Frost.
"Walang clue tungkol sa huling libro?"
"Wala."
"Baka may nakasulat sa huling bahagi ng page?"
Umiiling nalang si Frost.
"Hindi kaya ang ibig sabihin nito ay nasa bahay niya ang huling libro?" tanong ni Sky.
"Let me read it," at inabot ni Sky ang libro kay Lexi, sumilip sina Pyro at Luna sa magkabilang gilid.
"Kung walang clue, paano natin mahahanap ang pangwalong libro?"
"May clue ang libro, hindi pa natin natutuklasan," sagot ni Sky.
Tahimik lang kami nila Sky, nag-iisip ng mga posibilidad.
"Allen, baka gusto mong basahin," sabi ni Lexi, tapos na nilang basahin.
"Salamat," agad ko itong kinuha at binasa.
Umupo sa tabi ko si Frost, binabasa din niya ang libro. Puno nga ng drawinf ang libro, hindi katulad ng mga nauna na konti lang.
Oriana lived in a small hut with her mother. They have a beautiful garden.
Napansin ko ang illustrations, bakit familiar? Saan ko ba ito nakita? Natapos ko ang libro pero wala akong nakitang clue. Ibinalik ko sa page kung saan may river.
"May clue ba diyan, Allen?" tanong ni Frost.
"Parang familiar sa akin ang lugar na ito," sagot ko habang nakatitig sa larawan.
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...