Part 50 Isla Ekis

7 2 0
                                    

Frost

Tiningnan ako ni Allen habang nakakunot ang noo.

"Hindi ko ata narinig ng tama ang sinabi mo, Frost."

"Gusto ko lang tingnan likod mo."

"Bakit naman?"

Bago pa ako makapagsalita may tumawag sa akin, may dalawang motor na huminto sa gilid namin. Sina Sky pala, mukhang nanghiram siya ng motor kina Tiffany.

"Let's go!" sabi kaagad ni Sky.

"Saan?" naguguluhan kong tanong.

Napakurap ako ng makita si Lexi na nakaangkas sa likod ni Sky. Kahit naguguluhan ako ay pinaandar ko kaagad ang motor at sinout helmet ko. Umangkas din si Allen sumunod na kami nila Sky.

Nasa may park kami, huminto si Sky sa harapan ng isang kainan. Agad na bumaba si Pyro para pigilan si Sky na sumugod nila Peter. Lumapit ako kina Lexi, may mga kalmot at pasa siya but she's healing herself. Inaaalayan siya ni Luna.

"Anong nangyari, Lexi?"

"Yung kasama natin na Morgana ngayon ay traydor. She's somebody we don't know."

"What? Sigurado ka?" she nodded.

"I confronted her earlier. She's too strong. Ikinulong niya ako sa abandonadong building sa likod ng academy."

Lumapit ako kina Sky, malapit na silang magsuntukan ni Peter, mabuti nalang at inaawat sila.

"Don't disturb our dinner by the stupid suspicions of yours, Pristine," malamig na sabi ni Peter.

"Sky, it's no use," napalingon kami kay Lexi na palapit sa amin. "They are under a spell."

"Wag kayo manggulo, Sky," sabi ni Rayu. "Sinisira niyo hapunan namin."

Napabuntong-hininga si Sky, tiningnan niya si Morgana. Pati ako napatingin kay Morgana, how could Lexi say that the girl in front of us is a traitor when she really looks like Morgana?

"Umamin ka na sa ginawa mo kay Lexi," inis na sabi ni Sky kay Morgana.

"I did not do anything to her, Pristine. Kumakain kami ng hapunan, as you can see," sabi ni Morgana at uminom ng pagkain.

"Kasama namin buong magdamag si Morgana, kaya wag kayong magbintang ng tao," sabi ni Raina.

"Ano bang nangyayari sakanila?" bulong ni Luna.

"They are under a spell kaya ganyan ang kinikilos nila," sabi ni Lexi. Tiningnan niya si Morgana. "Umamin ka na, gaya ng pag-amin mo kanina."

"I do not know what you are talking about," sabay subo ng pagkain.

Susugod sana si Sky pero pinipigilan siya ni Pyro.

"Umalis na kayo dito, nakakairita mga presensya niyo," reklamo ni Peter.

"Hindi kami aalis hangga't hindi hihingi ng tawad ang babaeng 'yan kay Lexi," malamig na sabi ni Sky.

Napalingon kami kay Morgana ng bigla itong napaubo. Napakunot ang noo ko ng lumapit si Allen at tinanong kung ayos lang ba siya.

"Allen, bakit mo ba siya-"

"Wag kang lumapit kay Allen," pigil ni Lexi sa akin.

"Ano? Bakit naman? Ilalayo ko siya kay Mo-"

"Hindi siya si Allen."

"Huh? Lexi, ang traydor dito ay si Morgana. Kasamahan natin si Allen-"

"Hindi siya si Allen! Allen is missing!"

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon