Allen
Camping with a twist?
"Magsitahimik nga kayo!" saway ni Ma'am Arlinda.
"So, as I was saying, meron itong twist ang camping trip. We will make it a competition," sabi ni Sir Yakada.
"Competition?" merong mga nagtatanong sa galing sa likuran na bahagi ng mga estudyante.
"Competition, merong kayong susuotin na bandanas. This symbolizes kung anong section ka," sabay kuha niya ng apat na kulay galing sa box na dala ni Sir Perulco. Merong red, yellow, green at blue.
"Merong mga places kaming nilagyan ng flag na kulay white. Ibig sabihin ay pwede niyong gawin iyong camping ground."
Tahimik ang lahat na nakikinig sa instructions na binibigay ni Sir Yakada.
"Wag kayong mag-alala, dito rin ang camping last year. May mga kapangyarihan naman kayo at alam niyo naman kung paano gumamit ng weapons."
"Pero, Sir Yakada hindi pa tayo nag-eensayo na gumamit ng weapons simula ng magpasukan. Only combat battles ang ginagawa natin," sabi ng isang lalaking blonde ang kulay ng buhok, section 3C ata.
"That is one of the purpose of our camping. Ang malaman niyo kung paano gamitin ng maayos ang weapons niyo. Pagbalik natin sa academy ay mas tuturuan ko pa kayo."
"Sir, wala naman tayong dalang weapons," sabi ng isang babae na taga section 2B. Maikli ang kulay itim na buhok niya na may kulay pink ang dulo nito.
"That's also part of the competition, kinuha namin ang mga weapons ninyo upang dalhin dito," sabi ni Ma'am Arlinda.
Kinuha kaya nila ang dagger ko? Nasa bag ko 'yon, e.
"Bago ako magpatuloy, presidents, pumunta sa harapan."
Kumilos kaagad si Frost at pumunta sa harapan. Pumunta rin yung babaeng nagtanong galing sa section 2B, ang sa section 3C ay yung lalaking blonde ang buhok. Huling pumunta sa harapan ang sa section 4D, isang babaeng kulay itim ang mahaba niyang buhok.
"Pick a ball from this box," sabi ni Sir Yakada at itinuro ang kahon na dala ni Miss Arisma.
Nakuha ni Frost ay pula. Sa section 2B naman ay blue, sa section 3C naman ay yellow at sa huling section ay kulay green. Ibinigay na iyon sa amin nina Sir Perulco at Miss Arisma ang mga bandana. Itinali namin iyon sa ulo namin. Pagkatapos ay nagsalita ulit si Sir Yakada.
"Since, 'yan ang simbolo ng kung anong section kayo. Ito namang puting tela na merong kulay na red, or blue or yellow or green ay nagsisilbing 30 points."
Napakunot ang noo ko. Ano daw? Ang tela ay puti at merong kalahating kulay. Meron puti at pula, puti at asul, puti at berde, puti at dilaw. Ibinigay sa amin ni Sir Perulco at Miss Arisma ang tela na puti at pula, ganun din sa mga kaklase ko. Sa section 2B ay puti at asul naman ang sa kanila. Itinali namin ito sa kanang braso namin. Pagkatapos mabigyan ang lahat ay nagsalita ulit si Sir Yakada.
"Kailangan niyong makakuha ng maraming points. Kada puting tela na makukuha niyo galing sa ibang section ay merong katumbas na points. Pwede niyo makuha ang weapons niyo, pagkain, at iba pang needs sa camping niyo," huminga ng malalim si Sir Yakada bago magpatuloy sa pagsalita.
"Ang colored bandana niyo naman ay 50 points. Pero, wag niyo ubusin ang points niyo dahil ang section na merong pinaka mataas na points ay ang mananalo at merong award na matatanggap," napasinghap naman ang mga kaklase namin, pati ang ibang section.
"Do we have to battle to get other bandanas?" tanong ng isang taga section 4D.
"Isa 'yan sa mga challenges ko sa inyo kaya ginagawa namin ito. Nasa inyo ang diskarte kung paano dadami ang points niyo. Kapag naubos ang points niyo ay talo na kayo. Are we clear here?"
BINABASA MO ANG
Magic: Allen's Journey
Fantasy"Sumama ka sakin." "Hindi nga kita kilala." "Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat." --- Join Allen on his journey in finding his indentity. He lost his memories since he was 7 years old. In a world full of magic, he's the only one who...