Part 12 History

16 3 0
                                    

Allen

Lumabas na kami ng dinning hall, nauuna sina Sir Thunder. Sumunod naman ang mga mag-asawa. Sumunod din sina Kuya Jandro, at ang iba pa naming pinsan.

"Sumunod na kayo," sabi ng katabi ni Arthur.

"Yes, po, Kuya Allecke," sabay na sabi nina Astro.

Tiningnan ko si Frost. Kakatapos niya lang kumain ng cake. Tumayo na ako at tinulungan siyang tumayo.

"Sumunod ka lang sa amin, Allen," sabi ni Astro.

"Ah, sige."

Umuna na sila sa amin. Kaming dalawa ni Frost ang huling lumabas ng dinning hall. Nakasunod kami kina Astro. Umakyat na kami sa itaas. Pumunta kami sa right side ng hallway, may double doors naman doon na nakabukas.

Pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang modernong design ng living room. Ang lawak ng space, mukhang kasing lawak ng ballroom. May flat screen tv sa dulo ng room. May mga bookshelf din sa gilid ng tv. May pitong sofa na nakaporma U at may coffee table sa gitna.

Umupo naman sina Sir Thunder sa sofa, may pinag-uusapan naman sila ng mga anak niya. Napatingin ako sa walls, meron din palang mga family picture na nakaframe. Napansin ko ang ika-apat na frame. Nakaupo sa sofa si Ell—Mom, si Dad siguro ang katabi niya. Nasa gitna nila si.. Si Arthur ata, I think. Mukhang nasa three to four years old pa siya. Si Ate Elliah naman, mukhang nasa 11 years old naman, pinagitnaan namin siya ni Kuya Jandro. Nakatayo kaming tatlo sa likuran nina Mom.

"Ikaw 'yan sa kaliwa ni Ate Elliah mo," sabi ni Mom sabay akbay sa akin.

"K-kelan ito?"

"A year before ng mawala ka sa amin, anak," sagot ni Mom.

Tiningnan ko ulit ang picture. Wala talaga akong maaalala. Kung isa sa memories ko ang napanaginipan ko kagabi, 'yon lang ang naaalala ko. Wala akong naaalala pang iba.

"Anak," napalingon ako sa likuran ko. Siya yung lalaki na kasama ni Mom sa picture. "Alam kong hindi mo ako naaalala anak, pero sana bumalik na kaagad ang alaala mo," napayuko ako dahil narinig kong gumaralgal ang boses ni Dad.

"Miss ka namin ng Mama mo, Allen," niyakap ko siya kaagad. Nararamdaman ko naman na niyakap kami ni Mom. Ilang saglit ay bumitiw si Dad sa yakap. Tiningnan niya ako, parang kinakabisado ang mukha ko.

"Anak, ang laki mo na. Ang gwapo mo katulad ko. Mana ka talaga sakin," sabay tawa ng mahina habang umiyak. Napatawa nalang ako. Agad naman pinunasan ni Mom ang luha ni Dad.

"D-Dad," mahina kong tawag. Hindi ako sanay na tawagin siyang Dad.

"Bakit, anak?"

"P-Paano ako na-nawala?"

Kitang-kita sa mukha niya ang pag-alala. Hinaplos ni mama ang likuran ko.

"Maupo na kayo dito, Allen, apo," tawag ni Sir Thunder.

"Opo, Sir—"

"Wag mo na akong tawaging 'Sir', it should be Lolo."

"Umupo muna tayo doon at pag-usapan ang lahat na nangyari."

Umupo kami sa isa sa mga sofa. Pinagitnaan ako nina Mom at Dad, katabi ni Dad si Arthur, katabi naman ni Mom si Ate Elliah. Kaharap namin ang pamilya ni Ate.. Anastacia ata? Sa katabi naming sofa ay nakaupo sina Kuya Jandro, may kasama pa siyang dalawang lalaki. Kaharap naman nila ay pamilya ng kambal. Sa dulo ay sina Astro at Austern. Kasama nila si Ate Ashia nila at may dalawa pang babae, kaharap naman nila si Frost.

Hays, gusto ko tabihan si Frost kasi wala siyang katabi. Mukhang nahihiya pa siyang makinig sa usapan.

"Nasa bayan ng Heresh si Allen."

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon