Part 2 Reason

34 6 0
                                    

Allen

Tumayo siya at pinagpag ang damit. I maintain my distance na malayo ng konti sakanya at itinuro ko ang dagger papunta sa direksyon niya.

"Geez, ang sakit ng katawan ko," sabay tanggal niya sa hood. Nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang mukha niya.

"Babae ka?" she crossed her arms in front of her.

"Hindi halata?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"Ano bang problema mo at sinusundan mo ako?! Mula noong nakita kita sa school hindi mo na ako tinantanan! Kapag ako namatay sa takot mumultuhin talaga kita!" inis kong bulyaw sakanya.

"I'm sorry, Mister. I didn't know you're such a scaredy cat."

"Ano bang kailangan mo at kailangan mo akong sundan?"

"Sumama ka sakin."

"Hindi nga kita kilala."

"Sumama ka sakin at ipapaliwanag ko saiyo ang lahat. Pinapakuha ka nila."

"Huh?" ano daw?

"I'm here to pick you up."

"Hindi nga kita kilala, e. Umuwi kana sa inyo. Hindi ako sasama saiyo."

Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Naramdaman kong sumusunod siya. Nilingon ko ang likuran ko. Nakita kong nakatayo siya mismo sa likuran ko.

"Ano ba? Tantanan mo ako!"

"Sumama ka na kasi para walang problema."

"Hindi nga kita kilala."

"I'm Frost Vallen. So, ano, okay na? Sasama kana?" tiningnan ko siya.

"Hindi parin. Malay ko bang killer ka," sabi ko habang nagpapatuloy sa paglakad.

Hindi niya parin ako tinantanan. Hanggang sa dumating na ako sa bahay, tiningnan ko siya. Tumigil siya sa kanyang tinatayuan at tinaas ang isang kilay. Itinuro ko ang dagger ko sakanyang direksyon.

"Wag na wag kang lalapit."

"Tss," mabilis siyang naglakad patungo sakin.

Bago pa ako makagalaw at nahawakan na niya ang dagger ko at itinapon sa kaliwa ko. Itutulak ko sana siya kaso nahawakan niya ang dalawa kong kamay, ang lamig ng kanyang kamay parang yelo. Pinatid ko ang paa niya. Bahala na kung babae siya baka patayin niya ako.

"Ouch," naririnig kong sabi niya.

Tumakbo na ako papunta sa pinto ng bahay ng biglang naging yelo ang mga paa ko dahilan kung bakit hindi ako makagalaw. Sumigaw ako ng tulong. Naiiyak na ako, natatakot ako baka mamatay kami ni Tiya Pella. Wala akong silbi dahil wala akong kapangyarihan.

"Allen? Anong—Allen!"

"Tiya Pella!"

"Sinong may gawa nito saiyo?! Anong nangyari?" napatingin siya sa likod ko.

"Wait! I can exp—" hindi pinatapos ni Tiya magsalita si.. Sino nga siya?

Nakaharap ang dalawang palad ni Tiya papunta sa babae, may mga ugat na lumabas galing sa lupa at mabilis gumapang papunta sa babae at parang tali ay agad nilang ikinulong ang dalawang kamay at paa ng babae at ibinitin patiwarik. Inilapit ng mga ugat ang babae at idinala sa harapan ni Tiya.

Natunaw rin ang yelo at agad kong kinuha ang dagger ko at tumakbo sa tabi ni Tiya Pella. Nilapitan ni Tiya yung babae..

"Please put me down. Nahihilo ako. I can explain everything, please." isang snap ni Tiya ay nahulog siya sa lupa.

Magic: Allen's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon