Twenty-One

5.9K 77 25
                                    

A/N: This is for leafblade. Hehe. Enjoy this chapter guys! Have a Metty Christmas and a Happy New Year to you sll. I love you! :*

Naka-full volume ang blower habang ginugulo ko ang buhok ko. Itinatapat ko ito para madaling matuyo. Buti na lang dala ni Arleigh ang susi ng kotse niya. Pagkatapos naming maglaro sa ulan, umuwi agad kami para makapagpalit ng damit. Pinupunasan ni Arleigh ng tuwalya ang buhok niya habang nakatingin sa labas. Ambon na lang ang bumabagsak sa lupa, hindi katulad kanina na malakas ang buhos ng ulan. Matagal din kaming tahimik. Nagsalita na siya.

“Nag-enjoy ka ba?” sabi niya.

“Oo naman ‘no. Ang saya kaya. Bumalik uli yung pagkabata ko.” At yung dati. Gusto ko sanang sabihin, pero nanahimik na lang ako.

“Di ko akalain na childish ka pala.”

Itinapat ko ang blower sa dulo ng mahaba kong buhok. “At hindi ko inakalang mabilis ka palang tumakbo.”

“Naman! Player kaya ako dati?”

“Alam ko. Hindi ka pa rin nagbabago. Hindi kita kayang habulin.”

Tumawa siya. “Lampa.”

“Yabang nito.”

“Mag-exercise ka kasi. Ipagpag mo yang bilbil mo. Tumataba ka na naman.”

Napatingin ako saglit sa tiyan ko. Walang pinagbago. Nang-aasar na naman ang mokong.

“Sinungaling. I didn’t gain weight. Mag-eyeglass ka nga. Baka sakaling luminaw yang paningin mo.”

“Uy, pikon.” asar niya.

Ako, pikon? Sa totoo lang, gusto kong tumalon sa kilig. Sana ganito na lang kami palagi. Nag-aasaran at nagtatawanan. Walang LGV kingdom na dapat asikasuhin at walang desperadang Leslie na humahabol sa amin. My ideal type of family.

Lumapit siya at pinisil ang pisngi ko. Pagtingin ko nakangisi siya. Nang-aasar pa rin. Itinapat ko ang blower sa mukha niya. Napaurong siya ng konti. Tumawa ako.

“Ang init, ha?” sabi niya.

“Gusto mo? Kailangan mong magpatuyo. Babalik pa tayo sa office.”

Kinuha niya ang blower at itinapat sa ulo niya. Palihim ko siyang pinagmamasadan habang nakaupo ako sa kama. Hindi ko lubos na maisip na magagawa pa naming magpaka-sweet ng ganito after all these years. Pero tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bukal sa loob ba ang sweetness niya o ginagawa lang niya ito dahil pilit kaming ikinasal. Nararamdaman ko pa rin ang lamig mula sa kanya pero unti-unting namamatay iyon sa tuwing nagtatawanan kami. Para akong bumabalik sa pagiging teenager.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. Para siyang anghel.

Pinatay din niya ang blower matapos ang ilang sandali. Nagbihis din kami at bumalik ng office.

Bigla akong nabahing habang nagsusulat sa laptop ko. Inabot ni Arleigh ang tissue sa akin.

“Hayan, sinisipon ka na.” sabi niya. Kumuha ako ng konti at ipinampahid sa ilong ko.

“Minsan lang naman ako magkasipon eh.” katwiran ko.

“Minsan nga pero grabe naman.”

Inihagis ko ang isang rolyo ng tissue sa dibdib niya, at sinalo niya ito habang tumatawa.

“Pero salamat kanina, ha? Pumayag ka sa kalokohan ko. Dinamay kita.”

Ngumiti siya. “Okay lang. it’s been so long since huli akong naligo sa ulan. I enjoyed it, you know.”

“So, naaalala mo na?”

Natatakot ako sa pwede niyang isagot. Ayokong umasa pero kailangan. Daig ko pa ang kapit sa patalim.

Matagal bago siya sumagot. Matagal-tagal din akong naghintay sa sasabihin niya.

“Slightly. Pero alam kong ikaw iyon. Nararamdaman ko dito sa puso ko.” sabi niya at hinaplos ang dibdib niya.

Ewan ko kung ano yung naramdaman ko, basta nangibabaw ang saya doon. Masaya ako kasi nagkakaroon na ako ng lugar sa buhay niya.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko agad iyon at sinagot ang tawag.

“Hello?” sabi ko sa kabilang linya. Tumayao ako malapit sa glass wall. Tanaw na tanaw ang buong Makati mula dito.

“Hello, Lujille? Mabuti naman sinagot mo ang tawag ko. Sorry nga pala sa ginawa ko kahapon, ha? Nabigla lang talaga ako.” sagot ni Nathan sa akin.

Matapos ang ginawa niya, hindi ko pa alam kung ano ang magiging desisyon ko. It was surprsing and rude at the same time. Hindi niya ugaling manapak ng walang dahilan. Alam kong nabigla din siya, pero inisip ko na sana hindi na umabit pa sa ganoong sitwasyon.

“Okay lang.” matipid kong sagot.

“Yun lang?”

Tumaas ng konti ang boses ko. “Ano ba’ng gusto mo?”

“Wala na. Pasensya na kung naabala kita.”

Pinatay ko ang linya ng walang sinabi. Gusto ko na rin kasing tapusin ang usapan.

Bumalik ako sa upuan ko. Tiningnan ako ni Arleigh na may halong pag-aalala.

“Sino ba iyon?” tanong niya.

“Si Nathan. Tumawag para mag-sorry.”

Wala siyang sinabi at basta na lang ako niyakap.

At alam kong protektado ako ng mga bisig niya kahit na anong pagsubok pa ang dumating sa amin.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon