A/N: AlyssaReynoso9, enjoy! :)
Nathan
“Sorry sa ginawa ko kagabi.” nanliliit na sabi ni Leslie sa akin ilang minuto lang matapos akong gumising. Pinaglalaruan niya ang mga daliri niya at hindi makatingin ng diretso sa akin.
Wala akong masabi. Kung iyong kiss lang ang pag-uusapan, okay lang naman eh. Lasing siya at wala akong magagawa. Margarita na ang nagtulak sa kanya para ilapit ang mga labi niya sa mga labi ko.
“Okay lang. Alam kong lasing ka.” sagot ko. Ayokong habaan ang explanation ko.
Tumingin siya sa mga mata ko, finally.
“Talaga?”
“Promise, okay lang.” Hilong-hilo ako sa ininom ko kagabi. Mas malakas pa sa limang bote ng Red Horse ang tama niya. Pumikit ako sandal at bumalik sa pagkakahiga.
“May masakit ba sa iyo?” she asked after a moment of silence.
Nagmulat ako ng mga mata. “Wala. Ayos lang ako.”
“Sure? Baka gusto mo munang kumain. Ipagtitimpla na rin kita ng kape.”
Narining kong tumunog ang tiyan ko. Gutom na yata ang binubuhay kong cobra. I grinned.
“Sige.”
Dala na rin ng sobrang gutom, tinulungan ko si Leslie na maghanda ng agahan. Niluto ko ang pancakes at siya na ang nag-prito ng bacon. Kung pwede ko lang kamayin ang niluluto niya, kanina ko pa ginawa. Tempting ang amoy niya sobra.
Natapos din namin ang pagluluto. Inihanda ko na ang mesa at naupo sa pwesto sa harapan niya.
“Kumain ka na.” sabi ni Leslie.
“Eto na nga.” Ngumisi ako at sumubo ng kanin. Muntik ko nang mailuwa iyon sa sobrang init. Pinagtawanan niya lang ako.
“Ang takaw mo rin, ‘no.”
“May-ari ako ng restaurant. Kailangan matalas ang panlasa ko.”
Sumubo siya ng bacon. “Iba ang may talent sa panlasa sa matakaw.”
I rolled my eyes. “Oo na. Talo na ‘ko.”
“Pero salamat talaga kagabi, ha? Hindi ko makakalimutan iyon.”
“Ang alin?”
Yung halik o yung mga advices ko? Pinili kong manahimik na lang. Alam kong nagpapasalamat siya sa dalawang bagay na iyon.
“Yung kagabi. Thanks for being a good friend.”
“No problem. At your service.”
Habang tahimik kaming kumakain, na-realize ko na ang mga pinayo ko sa kanya ay pinayo ko na rin sa sarili ko.
Naiintindihan mo ba ako? Mabuti naman. Move on, neng. Iba na lang landiin mo.
As if madali iyon.
Hindi nga madali. Pero magiging madali iyan kung sa iba mo itutuon ang atensiyon mo.
Mahirap para sa akin ang mag-move on mula kay Lujille dahil hindi ko ibinabaling sa iba ang paningin ko. Kahit na alam kong hindi niya ako mamahalin pabalik, minamahal ko pa rin siya. Katangahan na nga, ka-martyr-an pa.
Pakiramdam ko ang kapal na ng mukha ko para payuhan ng ganoon katindi si Leslie. Alam kong wala akong karapatan para sabihin ang mga iyon. Wala na rin akong choice kasi ako ang nilapitan. Habang tinitingnan si Leslie, nakita kong panatag na ng konti ang mukha niya. Nakatulong din naman ako kahit papano.
“Kakain ka ng pancake pero walang syrup. Sira ka ba?”
Napatingin ako sa kanya. “Ha?”
Ngumuso siya. “Yun oh.”
Dumako ang paningin ko sa plato. Nakahandusay ang isa sa mga niluto kong pancakes. Kilala nga niya talaga ako. Ayaw ko kasing kumain nito ng walang matamis na sarsa.
“Sorry.” I apologized. Nasobrahan ako sa pag-iisip ng malalim.
“Eto.” Padabog na binagsak ni Leslie ang isang bote ng maple syrup sa harapan ko. “Happy eating!”
“Baliw.” sabi ko at nagbuhos ng maple syrup sa pancake ko.
“Hiniwalayan ni Arleigh si Leslie?” gulat na tanong ni Lujille.
Nasa restaurant kami ngayon. Personal ko siyang pinaglakad mula sa opisina niya hanggang dito para ihatid ang magandang balita. Tapos na ang pagpapayo ko kay Leslie kaya may karapatan si Lujille na malaman ito.
“Oo. Kagabi pa.” sabi ko.
Gumuhit ang tagumpay sa ngiti niya.
“Mabuti naman. Nabunutan na rin ako ng tinik.”
“So ano’ng balak mong gawin ngayon?”
She looked at me with determined and fierce eyes. “Ibabalik ko ang mga nawala sa amin. May konting progress na rin kahit papano.”
My eyebrows creased. “What do you mean?”
“Nakakaalala na siya. Pero hindi pa ganoon kalinaw. Naaalala niya yung sa football field.”
I smiled. Ewan ko kung pilit pero masaya ako para sa kanya.
“That’s good.” But a part of me wished na sana hindi na bumalik pa ang alaala ni Arleigh. Para hindi na magkagulo ang lahat, para makita na rin ni Lujille na ako ang dapat niyang mahalin.
“Basta tantanan na kami ni Leslie, magagawa ko na ang dapat kong gawin. Huwag na lang siyang makialam.”
I sensed threat in her words.
“Ang maldita mo, ha?” sabi ko.
Nagkibit-balikat siya. “Oh well…”
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...