Twenty-Eight

5.4K 61 7
                                    

Lujille

Nang magising ako, wala na si Arleigh sa tabi ko. Nakatulog ako habang nakasandal sa balikat niya. Kung paano ako nakahiga sa sofa, hindi ko alam. Masarap lang talaga ang tulog ko kagabi.

Naka-on pa rin ang laptop, at nakita ko ang magkahawak naming mga kamay. Dapat nakapatay na ‘to kasi hindi ito na-off kagabi. Napangiti ako ng wala sa oras. Minsan pala, may pagka-cheesy din itong si Arleigh. Hindi ko inakalang gagawin niyang desktop background ang picture namin. Nakasimangot pa siya nang papunta kami sa Star City. Pero ang hindi ko alam, nag-e-enjoy na pala siya.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makakalimutan ang paghawak niya sa kamay ko. Ang masabi lang niya na hindi siya bibitaw ay sapat na para sa akin. May naaalala na siya. Okay na iyon, dahil alam kong unti-unting babalik ang lahat sa dati. Kailangan ko lang magtiwala at umasa.

Mabango ang kusina. Amoy ng sinangag at bacon na sinamahan pa ng scrambled eggs. Pumunta ako sa kusina at nakitang nagluluto si Arleigh. Ngumiti siya nang makita niya ako. Tumabi ako sa kanya at sumandal sa counter.

“Ang sarap naman ng pampagising mo.” sabi ko.

“Gutom lang iyan. Bolera ka rin eh.”

“Subuan mo ko, ha?” biro ko.

Kinurot niya ang pisngi ko. “Ayoko.”

Ilang sandali pa, hinain na ni Arleigh ang mga niluto niya. Ginising ko na ang mga bata at si Lorraine. Tatlong baso ng gatas ang tinimpla ko, kasali na rin ag dalawang tasa ng kape.

“Huwag mong sabihin sa ‘king makikisali ka sa mga bata? Matanda ka na para uminom ng gatas.” sabi niya.

“Kailangan ko ng calcium, lalo pa’t naka-high heels ako araw-araw. Magtimpla ka rin kung gusto mo.”

“Pinagtimpla mo na ko ng kape. Ayokong sayangin iyon.”

“Good morning, ate. Good morning, kuya.” bati ni Lorraine at sumunod ang dalawang bata. Umupo na kaming lahat sa hapag at nagsimulang kumain.

“Ano’ng oras ba ang pasok niyo sa trabaho, ate?”

Napatigil ako sandali. Tumingin ako sa orasan na nakabitin sa dingding sa sala. Masyado na pala kaming late ni Arleigh. Baka isumbong niya pa ako kay Mama ‘pag nagkataon.

“9 am.” Pero alas-otso na sa orasan. Patay ako nito.

Tumango lang siya at kumain. Enjoy na enjoy naman ang dalawang bata sa pagkain, lalo pa’t Tito nila ang nagluto ng mga iyon.

“Tita, ang sarap niyo pong magtimpla ng gatas.” nakangising sabi ni Bugoy.

Ginulo ko ang buhok niya.

“Thank you.”

Ito ang first time na may sinabing maganda ang batang ‘to tungkol sa akin. Masaya na rin ako.

Naglaro ang dalawang bata matapos kumain. Pinabayaan lang naman sila habang nag-uusap kami. Sa bahay namin iiwan ang dalawang bata. Sina Mama muna ang magbabantay. Papasok kami ni Arleigh sa trabaho at uuwi pa si Lorraine para magbihis.

Maya-maya na lang ay may narinig kaming nabasag sa sala. Agad kaming napatayo at pumunta doon. Nakita naming ang basag na vase. Ang isang piraso n’on ay tumilapon sa laptop ni Arleigh. May gasgas ang outer cover nito at nabasa ang ilalim, dala ng tubig galing sa vase. Nakatayo sila Bugoy at Basha, naninigas dahil sa nangyari.

“Sino’ng nakabasag nito?” galit na tanong ni Arleigh. Nag-iba ang expression ng mukha niya. Nakakatakot tingnan.

Tahimik ang lahat lalo na mga bata.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon