Fifty-One

2.7K 46 4
                                    

Ramdam pa rin ni Vicente ang ingay na iniwan ni Monique sa loob ng bahay nila. Hindi siya makapaniwala sa eksenang naganap kanina lang. patuloy pa rin sa pag-iyak si Anita at ngayon niya pinaka-kailangan ang mga sagot sa mga tanong na nasa isip niya.

“Ano ba talaga ang nangyayari?”

Bumitaw sa pagkakayakap si Anita at hindi tumingin sa mga mata ni Vicente.

“Hindi ko alam. Basta na lang siyang dumating at nag-eskandalo dito.”

Gusto mang paniwalaan ni Vicente si Anita pero hindi niya magawa. Nararamdaman niya ang kasinungalingan sa mga pananalita nito.

“Magsabi ka ng totoo!”

“I’m telling you the truth!” sigaw ni Anita. Tiningnan siya ni Vicente. “Paniwalaan mo naman ako kahit minsan lang.”

Hindi umimik si Vicente. Alam niyang may tinatago si Anita sa kanya.

“Vicente, please.” Nagmamakaawang sabi ni Anita at humawak sa braso ng asawa. “Trust me. Wala akong ginagawang masama.”

Tinanggal ni Vicente ang mga kamay ni Anita at pinakawalan ang malaking tanong sa isipan niya.

“Mahal mo pa rin ba si Pocholo?”

Natigilan si Anita. Her husband’s question took her aback. Ibinuka niya ang bibig niya pero wala siyang masabi.

“Sabihin mo sa ‘kin, mahal mo pa rin ba si Pocholo?!”

Tumaas na ang boses ni Vicente sa galit. Napaurong si Anita.

“Leave me alone.” sabi niya at umakyat patungo sa kwarto nila.

Napaupo si Vicente at napatulala. After all these years, kahit malaki na sina Lujille at Lorraine, hindi siya minahal ni Anita.

Padabog na isinara ni Anita ang pinto at kinuha ang cellphone niya. Hinanap niya ang numero ni Rolly. Sinagot naman siya matapos ang ilang ring.

“Bakit mo ko nilaglag?!” sigaw ni Anita sa kabilang linya.

“Dapat lang dahil sumosobra ka na. Ngayon mo na pagbabayaran ang mga kasalanan mo. Magdasal ka na!”

Pinatay agad ni Rolly ang linya. Napahiga si Anita sa kama at nanginginig sa kaba. Sinisingil na siya ng kasakiman niya.

Namuo ang pag-aalala sa dibdib ni Arleigh nang tawagan siya ng ina niya habang nagmamaneho patungong trabaho. Bigla siyang lumiko at naghanap ng isang coffee shop kung saan kakatagpuin ang ina.

He tapped his fingers on the wooden table. Hindi niya kayang ipagwalang-bahala ang kaba sa dibdib niya. Kanina pa niya iniisip kung ano ang mga posibelng lumabas sa bibig ni Monique.

Nilapag ni Monique ang dalawang baso ng malamig na kape sa mesa. Mabigat sa loob niya ang kausapin si Arleigh pero kailangang malaman nito ang katotohanan. 

“Ma, may problema ba?” tanong ni Arleigh sa ina.

“Malaki.”

Mas malamig pa sa kape ang pakiramdam ni Arleigh sa sagot ni Monique. Lalo siyang kinabahan.

“Ano ba’ng nangyari?”

“Niloko nila tayo.”

At doon na nalaman ni Arleigh ang buong katototanan. Nagtiim ang mga bagang niya. nilimas na ni Anita ang pera nila at nakatakda silang paghiwalayin ni Lujille. May pinirmahang kontrata si Monique na kapag nag-work out ang merger, mananatili silang kasal ni Lujille. At ngayong papabagsak na ang kompanya, mangyayari ang bagay na pinakakinatatakutan niya.

It was stupid of his mother to sign that contract, not knowing it was a trap for revenge.

Hindi niya alam kung kaya niyang sabihin kay Lujille ang tungkol dito. Pero gagawin niya ang lahat para hindi siya mawala. 

Kahit pa ikamatay niya ito. 

Takang-taka si Leslie habang naglalakad palabas ng selda niya kasama ang isang pulis. Sinamahan siya nito patungo sa visiting area.

Bigla siyang nanigas nang makita niyang si Lujille ang naghihintay sa kanya. 

“Ano’ng ginagawa mo dito?”

“May hihilingin ako sa iyo.”

Naisip na agad ni Leslie kung ano iyon. Lihim siyang natuwa sa mga pangyayari.

“Kung tungkol iyan sa ina mo, handa akong tumulong.” sabi niya.

“Exactly. Bianayaran ko na ang piyansa mo para hindi ka na bumalik dito. But I have to ask one thing.”

“Ano?”

“Be at my side and tell us the whole truth. Kasi kahit hindi sabihin ni Mama sa ‘kin, alam kong ginagamit ka niya para sirain kami ni Arleigh.”

Tumango si Leslie. Pakiramdam niya may magagawa na rin siyang tama para kay Lujille.

“Sige.”

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon