Eight

7.9K 104 15
                                    

Everything felt so perfect.

Naka-set up na lahat ng dapat i-set up. Ang mga bisita ay nakasuot ng magagarang damit. White roses ang nakakalat sa halos lahat ng sulok ng simbahan. Katabi ko si Papa habang naglalakad kami patungo sa altar. Mas lumala ang pagkabog ng puso ko. Matamang nakatitig sa akin suot ang kanyang black suit na may white long sleeve na undershirt, paired with black pants at shining black shoes. His hair was neatly placed, na parang matatakot ang langaw na dumapo sa buhok niya. I saw a slight dimple on his cheek. Pero sana nga, totoo iyon.

“Ingatan mo siya.” sabi ni Daddy nang i-turn over niya ako kay Arleigh.

“Opo, tito.” sagot nito at hinawakan ang kamay ko.

Kakaiba ang pakiramdam ng kamay niya anag mahawakan ko iyon. Malamig, at halos maramdaman ko na ang pulso niya. Tiningnan ko siya pero nakatingin siya sa malayo. Hindi ko maipaliwanag ang ganoong hitsura niya.

Pansamantalang katahimikan muna ang nangibabaw sa loob ng Manila Cathedral, para maging prepared na ang lahat ng tao. Bumulong ako sa kanya kahit mistulang poker face na ang pari sa harapan namin.

“Nanlalamig ka yata?” tanong ko.

“Of course, sino ba naming hindi? Imbis na masaya ako, para akong bibitayin. Lethal injection kumbaga.”

Napangiwi ako. Dapat na pala akong masanay sa ganitong pagtrato niya sa akin. In case I forgot, the last time I checked, he doesn’t have a single memory about me.

“Mukha ka namang killer eh.” himutok ko sa sarili ko.

“Ano?” Tumaas ng kaunti ang boses niya na para bang sinisinghalan ako.

“Wala.” I said dismissively at inayos ang sarili ko.

“Tch. Tigil-tigilan mo ko.”

I rolled my eyes as the ceremony started. The priest officiate the mass, and then we made our vows. Pagharap ko kay Arleigh, tumibok na naman ng malakas ang puso ko. Ito ang naramdaman ko nung una kaming magkita noong college kami, and everytime I see him, I’m always swept off my feet. May something sa kanya na hindi ko ma-explain.

Itinaas ni Arleigh ng kaunti ang kamay ko at inihanda ang singsing. Nagkatinginan kami saglit, na parang nagpapakiramdaman muna.

“Wear this ring, as a sign of my love and loyalty. For better or for worse, in richer and in poorer, in sickness and in health, ‘till death do us part.” He said in a captivating voice. I found myself looking at him dumbfounded. Wala pa rin siyang pinagbago. He still had that same charm from way back when.

Isinuot niya ang singsing sa ring finger ko. Unexpectedly, ngumiti siya sa akin. I felt the same heaven, again and again…

Itinapat ng pari sa labi ko yung microphone. Panahon na para ako naman ang magsuot ng singsing sa kanya. Inangat ko ng konti ang kamay ni Arleigh.

“Wear this ring, as a sign of my love and loyalty. For better or for worse, in richer and in poorer, in sickness and in health, ‘till death do us part.” I said and slid the ring into his finger.

“I now pronounce you man and wife. You may kiss the bride.” the priest announced.

“Agad-agad?” I said absentmindedly, at narinig iyon ng lahat. Nagulat na lang ako sa mga tawa na narinig ko.

“Ano ka, teenager? Kinakasal tayo. Natural lang na halikan kita. Alangan naming halikan ko si Father, ‘di ba?” sabi niya.

“Sabagay.”

Grabe, ito ba ang epekto ng charm niya? Nakaka-torete ng utak…

 He cupped my face in his two hands and closed the gap between our lips. It wasn’t butterflies that swarmed my heart but it was the uplifting feeling of his kiss. I started to kiss him back as we heard a myriad of claps around us. Pero sa halik naming ito, may dalawang taong nasasaktan.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon