A/N # 1: For kashThatIs, here's what happens next. ;)
A/N # 2: So far, thank you for supporting this story. Mahal ko kayo! :* Yung song sa gilid, that was my inspiration for writing this chapter. Hehehe.
A/N # 3: Brace yourself for some cheesyness na wala sa tamang lugar. HAHAHAHAHAHAHA!
Alam kong hindi ko na dapat ginawa iyon. Hindi ko na dapat pang pakialaman si Arleigh- kung magbalikan man sila ni Leslie o maghiwalay. It’s such a waste of time. Naunahan ako ng galit ko kaya nagkaganito ako. Wala na akong pakialam. Basta naturuan ko na ng leksyon si Leslie. Kahit itanggi pa niya, mistula na rin niyang inamin ang totoo. Takot na takot siya nang basagin ko ang lent eng camera niya. And in addition to that, wala akong pakialam sa halaga ng tinapakan ko. Barya lang iyon sa akin at alam kong bibili si Leslie ng bago.
Ewan ko kung anong mangyayari pagkatapos nito. Mas iinit ang tension sa pagitan naming dalawa. Gagawin namin ang lahat para makapagdesisyon si Arleigh kung sino ang pipiliin sa amin. Let the games begin. Pero correction, matagal nang nagsimula ang laro.
Lumilipad ang isip ko sa kalagitnaan ng nakakabwisit na traffic. Nasa opisina na si Arleigh, at first time akong uupo bilang vice-president ng LGV Kingdom. May konting kaba na mahirap i-explain, kahit sanay na ako sa mga pasikot-sikot sa pag-handle ng real estate business. Umusad na rin ang traffic, at ilang sandali pa nasa office na ako.
“Good morning, ma’am.” nakangiting bati sa akin ni Monica habang papasok ako sa opisina ko.
“Good morning.” Gumanti ako ng ngiti sa kanya at napatigil sa paglalakad nang Makita ang nakapatong sa mesa ko.
Isang bola ng baseball na tinalian ng pink ribbon.
Tumigil sa pag-ikot ang mundo kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Si Arleigh lang ang alam kong makakagawa sa akin nito. Siya lang ang may ganitong tactic. I felt butterflies in the pit of my stomach. Ibig sabihin ba nito may naaalala na siya? Kahit konti man lang? Nagbigay sa akin ito ng pag-asa. Na kahit konti lang ay nakita na niya ang nakaraan. Ang totoong nangyari sa aming dalawa, hindi yung mga binuhol ni Leslie para sa kanya.
I’m too shocked to speak, pero tinanong ko pa rin si Monica.
“Sino ba’ng naglagay niyan dito?”
Alam ko naman ang sagot. Gusto ko lang mapatunayan sa sarili na tama ako.
“Si Sir Arleigh po.” sabi niya.
Tama nga ako.
Napangiti ako bigla at narinig siyang nagpaalam para umalis. Napakasaya ko. Sa wakas may alaala na rin si Arleigh. Kahit sa ganitong paraan, nabuhayan ako ng loob at nagkaroon ng dahilan para hindi ako sumuko. A single memory would lead to a whole slew of pictures. Maaalala din niya ako. Ang buong pangyayari sa amin noon. At sana, pati kung paano namin minahal ang isa’t-isa.
“Nagustuhan mo ba ang binigay ko?”
Lumingon ako sa likod at nakita si Arleigh. Malaki ang ngiti. Pinaghandaan niya ito ng sobra-sobra.
Napangiti ako. “Oo naman.”
Pinulot ko ang bola at tinanggal ang pink na ribbon. Lumapit siya sa akin at itinali ang laso sa nakalugay kong buhok. Ganitong-ganito ang nangyari dati. Ewan ko kung paano niya naalala ‘to, basta umaasa lang ako na this will pave the way to his recovery.
“Bagay sa iyo. Ang ganda mo.” sabi niya.
Tuluyan nang nag-skyrocket ang mga paru-paro sa tiyan ko. Kinikilig na ako, gaya ng epekto ng eksenang ito. Kahit nag-iba na ang setting at tumanda na akmi ng konti, the feeling never changed. Gusto kong lumundag sa tuwa, pero sobra naman yata iyon.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...