POSTFACE

3.1K 33 1
                                    

You are the song playing so softly in my heart...

"Ready ka na?" tanong ko kay Arleigh. Nalulunod ang isip ko sa pagkanta ng choir sa You Are My Song. Malapit nang makarating sa altar ang nauna sa amin na abay. Inayos ko ang sarili ko bago ako maglakad.

"Oo naman. Kasal ito ng best friend mo na kaibigan ko rin. Matagal ko ring pinaghandaan 'to."

Napangiti ako. Finally Nathan found the love of his life kahit sa mailking panahon lang sila nagkakasama. Of course, I know everything, at parang rom-com movie ang piangdaanan nila. I'm torn between sa awa kay Nathan o matatawa kay Corrine. They're a perfect combo together.

"O, tayo na." sabi ni Arleigh.

Umayos na kami at naglakad na papuntang altar. Kumapit ako s abraso niya pero binaba niya ito at hinawakan ang kamay ko. Still, kahit ilang beses na niyang ginawa ito, it feels like the first time. It's more than just the butterflies, spraks and electric currents. A force that brings out my innocent and youthful side again.

Pagkatapos naming bigyan ng time and space ang isa't-isa, napalaya na si Mama sa Correctional dahil sa sakit niya sa baga. She died eight months later. Si Lorraine nakapag-exhibit na ng paintngs niya sa iba't-ibang museum. Mas nai-manage ng maigi ni Ate Nida ang restaurant ni Nathan. Si Arleigh nagtuturo pa rin sa UST. Si Arkin naman, balak mag-propose sa girlfriend na si Celine sa susunod na linggo.

Arleigh and I are still trying to heal as wounds. So far, so good. Minsan lang kami nagkikita and we talk casually as friends. Time will come at babalik din kami sa piling ng isa't-isa. We'll find our way back home.

We reached the altar. Masakit man para sa akin pero kailangan kong bumitaw kay Arleigh. Niyakap ko si Nathan.

"Congrats. Sana maging masaya kayo." Sabi ko.

"Congrats, pare." Sabi ni Arleigh.

Nag-fist bump silang dalawa. Pumunta na kami ni Arleigh sa magkabilang pews. And a few minutes later, the bride marches down the aisle in her white wedding gown. Kitang-kita ko kung paano siya tingnan ni Nathan. Full of love. Maging ako kinikilig sa kanila.

Nagkatinginan kami ni Arleigh. He mouthed the words 'I love you'. I mouthed it back with all of my heart.

Tiningnan ko ang singsing na binigay niya days ago. Soon, we will have our own happy ending. Malapit na malapit na.

Lumipad ang mga puting kalapati sa loob ng simbahan. I hear the wedding bells ringing.

Nagsimula na rin ang kasal.  

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon