Four

9K 104 13
                                    

This is the day.

Pinapangunahan ako ng kaba habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Anim na minuto na lang, mag- a - alas siyete na. Parang ayokong bumangon mula sa kama ko. Pakiramdam ko binenbeta ako ni Mama sa isang di kilalang lalaki. Parang itinatapon niya ako sa isang dungeon kasama ang mga mababagsik na tigre. Naninigas ang katawan ko sa kaba. Please naman, Lord, puwede Niyo po bang patigilin ang oras?

Matapos ang ilang minuto, biglang tumawag si Nathan. Agad ko siyang sinagot.

“Hello, Nathan? Nandito ka na?” excited kong sabi.

“Oo. Nasa tapat ng kuwarto mo. Ano ba’ng ginagawa mo diyan? Kanina pa ako pagod kakatulong sa pagluluto ng Mama mo.”

Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ba hindi man lang niya ako kinatok?

“Kakain na ba?” Hindi ko maitago ang kaba sa boses ko.

“Oo. Kakain na.”

Muntik ko nang bitiwan ang cellphone ko dahil sa sinabi niya. Ito na talaga ang tamang oras para harapin ang mga kinatatakutan ko. Pinilit kong tumayo at ayusin ang sarili ko. Binabaan ko na lang siya ng phone at lumabas ng kuwarto.

Mas malungkot pa sa Biyernes Santo ang mukha ni Nathan paglabas ko ng kuwarto. Hindi ko pa siya nakikitang ganito buong buhay niya.

Pinasiya kong mgabiro para ngumiti siya.

“Hoy? Okay ka lang? Kung makatingin ka naman. Ikaw ba ang ikakasal?”

I didn’t even see a slight smile.

“Tara na.” malamig niyang sabi at naunang naglakad papunta sa dining room. Sinundan ko na lang siya para makakain na ako.

At nang makarating na ako, bigla akong napatigil sa paglalakad. Pamilyar sa akin ang pamilyang ito…

Hindi ko inasahan kung sino ang pakakasalan ko. Nang pumasok na siya sa loob, para akong tinamaan ng kidlat.

Si Arleigh.

Bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, siya pa? Bakit hindi na lang iba? Puwede naman si Nathan eh. Pero si Arleigh ang napili ng atat kong ina. At nandito na naman ko sa scenario kung saan wala akong choice.

Tinapik ni Lorraine ang braso ko.

“Ate, tara na. kain na tayo.” sabi niya. Tumango lang ako at pinilit maglakad papunta sa table.

Umupo na ang lahat at nagsimula na ang kainan. Puro palitan ng magagandang komento sina Mama at Tita Monique habang sina Papa at Tito Pocholo naman, nagkaroon ng sariling “man talk”.

Nathan has been acting strange. Kanina pa siya tahimik at malamig ang trato sa akin. Hindi naman siya magkakaganito kung wlang problema. Ewan ko na lang kung bakit big deal sa kanya ang pagpapakasal ko.

Iniisip ko lang, baka siya yung mas nasaktan sa paghihiwalay namin ni Arleigh, at nadagdagan pa iyonng umarte si Arleigh na hindi niya ako kilala. Basag, as in basag. Iyon ang nararamdaman ko sa ngayon.

“Nathan?” sabi ko sa kanya. Nginunguya niya ang pagkain niya at di ako pinansin.

Arleigh smiled in mock happiness. Masya siya sa kahihiyang natanggap ko mula sa best friend ko.

“Kuya Nathan, ang sarap ng niluto mong kare-kare.” komento ni Lorraine na nakaupo sa harapan ni Tita Monique.

“Oo nga. Ba’t hindi ka magtayo ng isa pang branch ng restaurant mo? That’s a lot of money.” dagdag ni Arleigh.

Ngumiti si Nathan. “Saka na, ‘pag nakaipon ako. Kailangan pa kasi ng malaki-laking puhunan eh.”

“Tutulungan kita.” alok ko.

He stared coldly at me. “Huwag na.”

Natahimik ako at kumain na lang. Mas lalong hindi ko naintindihan ang trato ni Nathan sa akin ngayon.

“So mare, kailan natin susukatan ng wedding dress si Lujille?” tanong ni Tita Monique.

“Next week na. hectic kasi ang schedule niya eh. Isabay na rin natin si Arleigh.”

Muntik ko nang mahulog ang tinidor ko. The thought of being with him makes my stomach turn around. Alam kong mauuwi lang sa bangayan ang pagsukat namin ng susuotin para sa kasal.

“Gusto mo ba ng engrandeng gown, Lujille?” sabi sa akin ni Tita Monique.

I shook my head. “No Tita, thanks. I’d rather keep it simple.”

“Okay.”

Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos nun. Nakakailang sa pakiramdam ang mga nangyayari. Inisip ko kung paano natanggap ni Arleigh ang kasunduang ito, kahit na naging mapait yung unang pagtatagpo namin. Kahit na nasaktan ako ng todo dahil hindi niya ako maalala. Siguro, katulad ng pagkabigla ko, nabigla rin siya, at nalungkot. Girlfriend na niya ng limang taon si Leslie. Mahirap para sa kanila ang maghiwalay.

“Tapos na po akong kumain. Excuse me.” sabi ko matapos punasan ang bibig ko ng table napkin. Tumayo ako at nagpunta sa balkonahe. Bigla akong nawala ng gana sa pagkain. Ang gusto ko lang gawin ay ang mapag-isa at magpahangin.

“So, fiance na pala kita? Ang saya ha?” sarkastikong sabi ng isang pamilyar na boses.

“Duh! As if naman, ginusto ko ‘to? Pareho lang naman tayong naiipit dito eh. Pareho tayong walang choice.” Sagot ko ng hindi humaharap sa kanya.

“Tama ka. At nasusuka ako tuwing naiisip ko yun.”

Anak ng! Nagsimulang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Hinarap ko siya para matapos na.

“Mas nasusuka ako, Arleigh. Pakiramdam ko may taning ang buhay ko dahil sa iyo. Mas malala ka pa sa cancer, alam mo ba iyon? Mag- su- suicide ako sa honeymoon natin.”

He smirked. That thing again! It never failed to annoy me.

“It’s okay. I really don’t care, though. Anumang oras puwede kong balikan si Leslie. Maghihintay yun sa ‘kin ng matagal.”

Nanigas ang dila ko sa sinabi niya. Namuo ang mga luha ko at tutulo ito ng wala sa oras. Pagkabigla ang tangi kong naramdaman ng mga sandaling iyon.

“O, ba’t parang tulala ka? Don’t tell me tatanungin mo ulit ako kung may naaalala ako tungkol sa iyo. Ngayon, sasabihin ko na. Wala talaga. Bago pa lang kita nakilala at yun na iyon. Gets mo?”

Tumagos sa puso ko ang lahat ng salitang binitiwan niya. Dumating na ang bagay na kinatatakutan ko. Talaga bang ni isang alaala tungkol sa aming dalawa ay wala na sa isip niya? Kasi kung ganon, hihilingin ko na lang sa Panginoon na kunin Niya ako. Dahil hirap na hirap na ako sa sobrang pagmamahal sa kanya, at sa bagay-bagay tungkol sa aming dalawa. Noon ko naramdamang estranghero ako ng lalaking mapapangasawa ko.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon