“Sinampahan na pala ni Nathan ng kasong frustrated murder si Leslie.” sabi ni Arleigh kay Lujille nung naghapunan sila sa opisina.
“Talaga? Kailan?”
“I think a few days ago. Oh well, she deserved it though. Muntikan na niya akong mapatay at si Nathan din sa loob ng selda.”
Lujille sighed. “Malakas nga talaga ang ebidensya.”
“Hindi na niya matatakasan ang batas.”
Hindi umimik si Lujille at nagpatuloy sa pagkain. Bigla siyang napatigil nang tumunog ang cellphone niya. Isang unknown number ang naka-display sa screen. Sinagot niya ang tawag.
“Hello?”
Isang boses ng lalaki ang sumagot sa kanya.
“Hello? Sino ‘to?”
“Lujille? Ikaw ba ‘to?”
Umayos si Lujille sa pagkakaupo. Iba ang kabang nararamdaman niya sa mga nangyayari ngayon.
“Oo. Bakit?”
“May kailangan akong sabihin sa iyo.”
“Can you please tell me now? I have a meeting in two minutes.” Iritado niyang sabi. Napatingin siya kay Arleigh. Halata ang kaba sa mukha nito.
“Kasi ganito iyan. Ang mama mo-”
Naputol ang sasabihin ng lalaki nang may marinig siyang malakas na paghampas sa kabilang linya. Umalingawngaw ang sigawan at murahan na hindi niya kinayang marinig. At isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa kanya.
“Tigilan mo ‘to!”
Ang ina niya.
Pero bakit?
“Teka-” Naputol ang kabilang linya. Nanghihina niyang ibinaba ang kamay niya at tumingin kay Arleigh.
“Ano’ng nangyari?” he asked.
“May masama akong kutob.”
“Ano?”
Lumapit si Lujille at niyakap ng mahigpit ang asawa. She needed him now more than ever.
“Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?!” sigaw ni Rolly kay Anita. Hindi na niya kinakaya ang mga ginagawa nito. Kapag nagkaalaman na, alam niyang masasabit siya sa gulong ito.
“Kailangang malaman ng anak mo ang lahat ng ito!” dagdag pa niya.
“Wag mong iisiping ilaglag ako, Rolly! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!” sigaw ni Anita.
“Sige, gawin mo kahit anong gusto mo sa akin. Wala akong pakialam. Kapag nagkabukingan na, sisiguraduhin kong wala ka ng mukhang maihaharap sa anak mo.”
Nagtiim ang bagang ni Anita sa mga sinabi nito. Mabuti na lang napigilan niya ito na ibunyag kay Lujille ang lahat.
“Tumigil ka! Ginagawa ko ‘to para sa pamilya ko.”
“Pamilya o sarili? Kunsabagay, hindi ko na kailangang itanong iyan. Hindi ka kasi patas lumaban e. Madumi kang dumiskarte. Nakakahiya ka.”
“You’re trying me.” she said.
“Oo. Sinusubukan kita. At hindi mo ko mapipigilan.” determinadong sabi ni Rolly at iniwan si Anita na nakatayo at walang maisagot sa kanya.
Malamig ang tingin ni Monique sa mga litratong nasa harapan niya. Hindi siya makapaniwala na kayang gawin ni Anita ang lahat ng ito. Binali nito ang napag-usapan nila bago ang kasal.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...