Fifty-Four

2.6K 34 1
                                    

“Hayop ka Anita!” sigaw ni Monique at sinampal si Anita nang magtangka itong umalis para sundan si Lujille.

Gumanti ng sampal si Anita.

“Get out of my way!”

Inawat na nina Areligh at Vicente ang dalawa nang halos magsabunutan na ito. Iyak lang ng iyak si Leslie habang hindi binibigyan ng pansin ang nangyayari sa paligid niya.

Sinampal ni Vicente si Anita na siyang ikinagulat ng lahat. All eyes fixed on them.

“You are despicable! Simula ngayon ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo sa bahay natin. Magnanakaw ka!”

“Oo na! Kasalanan ko na. now are you happy? Gawin niyo lahat ng gusto niyong gaiwin. Wala akong pakialam!” she said and left them all behind.

Nakaupo si Lujille sa malamig na semento at umiyak ng umiyak. Wala siyang kamalay-malay sa mga pangyayari. Kaya pala nahuli niyang may lihim na kinakausap ang ina niya. Kaya ganon na lang ang mga ginagawa ni Leslie sa kanila ni Arleigh.

Tiningnan niya ang buong rooftop. It’s a good thing na rin siguro na naaksidente si Arleigh dahil naalala siya nito. But she can’t erase the fact na gawa iyon ng ina niya. Pakiramdam niya tuloy napakalamalas niyang anak.

“Anak.”

She looked up, only to see her mother in front of her.

“Wag mo kong tatawaging anak.” mariin niyang sagot.

“Anak please, makinig ka naman-”

“Sinabi nang wag mo kong tatawaging anak!”

Napaurong ng konti si Anita. Ngayon nakikita na niya ang bunga ng kasamaan niya.

“Paano mo nagawa sa ‘kin iyon ha? Kaya mo kong saktan para lang sa mga balak mo? Sana pinaghiwalay mo na lang kami ni Arleigh noon pa. O di kaya pinatay mo na lang ako.”

“Lujille, sana naman maintindihan mo ko.”

Tumayo si Lujille. “Tanga ka ba? Paano ba iniintindi ang ganyang kasalanan? Paano ko iintindihin ang mga maling bagay na ginawa mo? Paano?!”

Hindi ulit makasagot si Anita. Gusto man niyang yakapin ang anak pero hindi niya magawa.

“Alam kong hindi mo pinagsisisihan ang lahat ng ‘to. Kung gusto mo kaming paghiwalayin ni Arleigh, pwes bahala ka. Patayin mo pa ako kung gusto mo.”

Pagkasabi n’on, umalis na si Lujille. Naiwang nasasaktan si Anita dahil tama ang sinabi ng anak.

Shotgun WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon